wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP1_Q1_L1 - Quiz #1

Total questions: 20

Worksheet time: 2hrs 40mins

Name
Class
Date
1.

Tinanong si Frey ng kaniyang guro kung ano ang pangalan ng kaniyang nanay. Gusto malaman ng guro ang __________ tungkol kay Frey.

a)

Pisikal na katangian

b)

Personal na Impormasyon

c)

Galing at Talento

2.

Si Adelina ay anim na taong gulang. Nakatira siya sa San Pedro, Quezon City. Ito ang ilan sa kaniyang ____________.

a)

Pisikal na katangian

b)

Personal na Impormasyon

c)

Galing at Talento

3.

Unang araw ng pasukan at lahat ng mag-aaral ay kailangang magpakilala sa harap ng klase. Anong mahahalagang impormasyon ang iyong sasabihin upang makilala ka ng iyong mga kamag-aral?

a)

Pangalan, edad, tirahan at mga magulang

b)

pisikal na anyo, paboritong pagkain at kulay

c)

bilang ng kotse, dami ng bahay at dami ng laruan

d)

lugar na napuntahan na sa loob at labas ng bansa

4.

Bakit ipinagdiriwang ang ating kaarawan?

a)

upang magkaroon ng handaan

b)

upang makatanggap ng mga regalo

c)

upang makapag-imbita ng mga kaibigan

d)

upang magunita ang araw ng kapanganakan

5.

Anong impormasyon ang kailangan mong malaman kung nais mong pumunta sa bahay ni Anna?

a)

ang kanyang edad

b)

ang kanyang address

c)

ang kanyang kaarawan

d)

ang kanyang paaralan

6.

Ano ang maaaring mailarawan sa batang may sariling pagkakakilanlan?

a)

natatangi

b)

ginagalingan

c)

pinagtatawanan

d)

iniiwasan

7.

Si Gabriel ay matangkad. Matangos ang kaniyang ilong at kayumanggi ang balat. Ito ay ilan sa kaniyang ______________.

a)

pisikal na katangian

b)

personal na impormasyon

c)

galing at talento

8.

Ano ang kulay ng balat ng nakararaming Pilipino?

a)

maitim

b)

maputi

c)

madilaw

d)

kayunmanggi

9.

Bakit kailangan malaman ng batang katulad mo ang mga impormasyon tungkol sa iyong sarili?

a)

dahil ang batayang impormasyon ay nagbibigay ng pagkakakilanlan

b)

dahil ang batayang impormasyon ay nagbibigay ng pagkilala sa isang lugar

c)

dahil ang batayang impormasyon ay nagbibigay ng pagkilala sa isang okasyon

d)

dahil ang batayang impormasyon ay nagbibigay ng pagkilala sa isang bagay

10.

Ano-ano ang bumubuo sa batayang impormasyon tungkol sa isang batang katulad mo?

a)

pangalan, edad, tirahan at mga magulang

b)

pisikal na anyo, paboritong pagkain at kulay

c)

bilang ng kotse, dami ng bahay at dami ng laruan

d)

lugar na napuntahan na sa loob at labas ng bansa

11.

Nagkaroon ng talakayan sa klase tungkol sa pisikal na katangian. Tinawag ng guro si Carl sa klase upang ibahagi ang kaniyang katangiang pisikal. Alin sa sumusunod na pisikal na katangian ang hindi niya kailangan banggitin sa klase?

a)

taas, kulay ng balat

b)

kulay ng buhok

c)

kulay o hugis ng mga mata at labi

d)

mabubuting katangian

12.

Alin sa sumusunod ang hindi kasali sa gabay sa pagpapakilala sa sarili?

a)

sa pamamagitan ng pisikal na katangian

b)

sa pamamagitan ng batayang impormasyon

c)

sa pamamagitan ng paglalarawan sa katangian

d)

sa pamamagitan ng dami ng kaibigan

13.

Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa pisikal na katangian ng isang batang Pilipino?

a)

kayumanggi ang kulay

b)

itim ang kulay ng buhok

c)

dilaw ang kulay buhok

d)

mabilog at itim ang hugis at kulay ng mata

14.

Ano ang karaniwang taas ng mga Pilipino?

a)

katamtaman

b)

mataas

c)

mababa

d)

pandak

15.

Ano ang karaniwang hugis at kulay ng mata ng mga Pilipino?

a)

mabilog at itim

b)

pahaba at dilaw

c)

tatsulok at pula

d)

parisukat at kulay abo

16.

Ito ang antas na kinabibilangan mong sa iyong pinag-aaralang paaralan.

a)

Edad

b)

Baitang

c)

Guro

17.

Pook kung saan ka nananinirahan

a)

paaralan

b)

pook pasyalan

c)

tirahan

18.

Sila ang nagbigay sa iyo ng iyong pangalan.

a)

magulang

b)

guro

c)

kamag-aral

19.

Tumutukoy sa pagkakakilanlan o pagkamamamayan

a)

Nasyonalidad

b)

Pangalan

c)

Kaarawan

20.

Ang lahat ng bata ay may kanya- kanyang kakayahan.

a)

tama

b)

mali

c)

hindi alam ang sagot

d)

wala sa nabanggit