NEW
Font size
WorksheetsDalawang Totoo, isang HINDI!
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Hanapin ang MALI.
Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
Ang pangngalan ay may dalawang uri lamang.
Ang pangngalan ay maaaring magsimula sa maliit o malaking titik depende sa uri nito.
Hanapin ang MALI.
Ang Pangngalan ay walang kahit na anong uri.
Ang Pantangi at Pambalana ay mga uri ng pangngalan ayon sa katangian.
Ang Tahas, Basal, at Lansakan ay mga uri ng pangngalan ayon sa konsepto o tungkulin.
Hanapin ang MALI.
Laging nagsisimula sa maliit na titik ang mga halimbawa ng Pambalana.
Laging nagsisimula sa malaking titik ang mga halimbawa ng Pantangi.
Maaaring magsimula sa malaking titik ang mga halimbawa ng pambalana kung ito'y unang salita sa pangungusap.
Hanapin ang MALI.
Kabaligtaran ng tahas ang basal.
Ang lansakan ay nagsasaad ng kaisahan sa kabila ng dami o bilang.
Tinatawag ding abstrakto ang mga tahas.
Hanapin ang MALI.
Pantawag ang gamit ng pangngalang tinatawag o sinasambit.
Pamuno ang gamit ng pangngalan kung saan ang simuno at isang pang pangngalang nasa bahagi ng panaguri ay iisa lamang.
Simuno ang pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap.
Hanapin ang MALI.
Layon ng Pang-ukol ang pangngalang matatagpuan pagkatapos ng isang pang-ukol.
Tuwirang layon ang pangngalang tumatanggap o pinaglalaanan ng kilos ng pandiwa.
Kaganapang pansimuno ay gamit ng pangngalang naglalarawan sa paksa.
Hanapin ang MALI.
Palayon ang kaukulan kung ito'y ginamit bilang layon ng pang-ukol at tuwirang layon.
Paari ang kaukulan kung ito'y nagpapakita ng pagmamayabang.
Palagyo ang kaukulan kung ito'y ginamit bilang simuno, pamuno, pantawag, at kaganapang pansimuno.
Hanapin ang MALI.
Ang panghalip ay panghalili sa pangngalan.
Ang panghalip ay maaaring gamitin sa paglalarawan ng isang bagay.
Ang panghalip ay pamalit sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
Hanapin ang MALI.
Pananong ay sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatang tinutukoy.
Ang panao ay panghalili sa ngalan ng tao lamang.
Ginagamit sa pagtuturo ng pangngalan ang mga pamatlig.
Hanapin ang MALI.
Unang panauhan ay tumutukoy sa taong nagsasalita o kumakausap.
Ikalawang panauhan ay tumutukoy sa taong nagpapakiusap.
Ikatlong panauhan ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan at malayo sa nag-uusap.
