wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 4 (1st MQA)

Total questions: 19

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay tauhan sa maikling kuwentong, "Ang Batang Ipinaglihi sa Balut" MALIBAN sa isa.

a)

Mang Tano at Aling Maria

b)

Mara

c)

Marikit

d)

Lorenzo

2.

Ano ang aral na itinuro sa atin ng kuwentong, "Ang Batang Ipinaglihi sa Balut"? Piliin ang pinaka angkop na sagot.

a)

Maging mapagbigay tayo sa kapwa.

b)

Mahalin ang ating mga magulang.

c)

Huwag manghusga ng kapwa sa pamamagitan ng pisikal na anyo.

d)

Laging magsabi ng po at opo.

3.

Ang _____ ay tumutukoy sa salitang pantawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.

a)

Panghalip

b)

Pangngalan

c)

Pandiwa

d)

Pang-uri

4.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangngalan?

a)

masunurin

b)

nag-aaral

c)

siya

d)

Bibliya

5.

Ito ay uri ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.

a)

Panlapi

b)

Pangtangi

c)

Pambalana

d)

Pangngalan

6.

Alin ang halimbawa ng pangngalang pambalana sa mga sumusunod na salita?

a)

samsung

b)

st. lukes hospital

c)

paaralan

d)

pilipinas

7.

Bakit mahalaga ang paggamit ng wasto at angkop na pangngalan sa pagsasalita?

a)

dahil ito ay naglalarawan sa lahat ng ating nasa paligid

b)

dahil ito ay nagsasaad ng kilos o galaw

c)

dahil ito ay nag-uugnay sa mga salita sa pangungusap

d)

dahil ito ang tumutulong sa atin upang matukoy ang ngalan ng lahat ng nasa ating paligid

8.

Gamitin sa pangungusap ang pangngalang "guro".

4 lines
9.

Ibigay ang katumbas na pangngalang pantangi ng pangngalang pambalana na "laptop".

a)

Acer

b)

Palmolive

c)

Japan

d)

Cadburry

10.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagtataglay ng halimbawa ng pangngalang pambalana?

a)

Si Rosa ay masayahin.

b)

Pumunta kami sa Baguio para magbakasyon.

c)

Sarado ang mga paaralan dahil sa pandemya.

d)

Ang Panginoong Hesus ay tunay na mapagmahal.

11.

May ________ ang tula. Maaaring masaya, malungkot, galit, naninibugho, nanunumbat, umiibig at iba pa.

a)

saknong

b)

taludtod

c)

damdamin

d)

tugma

12.

Ito ang himig ng tula (masaya, malungkot, galit, naglalambing).

a)

tono

b)

diin

c)

intonasyon

d)

tugmaan

13.

Ito ang pagbibigay ng bigat sa pamamagitan ng paglakas ng tinig o pag-uulit.

a)

tono

b)

diin

c)

intonasyon

d)

saknong

14.

Ito ay ang lundo o pagbaba at pagtaas ng tinig kapag bumibigkas ng tula.

a)

tono

b)

diin

c)

intonasyon

d)

tugmaan

15.

Paano nakaapekto ang pagbigkas upang matukoy ang damdamin ng tula?

4 lines
16.

Ang isang linya ng mga salita sa isang tula ay tinatawag na ________.

a)

damdamin

b)

saknong

c)

taludtod

d)

sukat

17.

Ito ay grupo ng mga linya o taludtod.

a)

saknong

b)

taludtod

c)

sukat

d)

tugma

18.

Ito ay katangian ng isang tula kung saan magkapareho ang tunog o huling pantig ng mga salita sa dulo ng bawat taludtod.

a)

saknong

b)

sukat

c)

taludtod

d)

salitang magkatugma

19.

Ang ______ ang nagsasabi kung ilang papantig na baybay ang isang taludtod.

a)

sukat

b)

salitang magkatugma

c)

taludtod

d)

saknong