WorksheetsESP 6
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Ang katotohanan ay ang pagiging tapat sa salita at gawa.
Tama sa lahat ng pagkakataon.
Depende sa sitwasyon.
Hindi sa lahat ng pagkakataon.
Wala sa nabanggit.
Alin sa mga ito ang HINDI dahilan kung bakit tayo magsisinungaling.
Mahuhubog ang ating pag-iisip
Pagtatakip ng ibang tao or sarili
Magpasaya ng kapwa
Makaiwas sa panagutan
Ano ang pagiging "TAPAT" sa katotohanan?
Magsinungaling para sa kapakanan ng iba
Mandaya para sa sariling interes
Gumawa ng mabuti sa mga mabuti lang sa iyo
Sabihin ang totoo para sa ikabubuti ng lahat
Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan.
KATOTOHANAN
OPINYON
Sa palagay ko ay si Ana na ang mananalo sa patimpalak na ito.
KATOTOHANAN
OPINYON
Para sa mga Pinoy, ang pagwawalis sa gabi ay malas.
KATOTOHANAN
OPINYON
Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na may sari-sariling talinto at kakayahan.
KATOTOHANAN
OPINYON
Piliin ang mga pangungusap na nagsasaad ng palatandaan ng mapanuring pag-iisip.
Iniisip ang mabuti at hindi mabubuting epekto ng isang sitwasyon.
Pinaiiral ang lahat ng gusto para sa sariling kaligayahan.
Padalos-dalos sa pagpapasiya.
Naghahanap ng alternatibo sa paglutas ng mga suliranin.
Kumakampi ka ba sa kaibigan mo kahit na alam mong mali siya? Oo o Hindi
(a)
May kumakalat na text message sa inyong lugar na wala na raw banta ng Covid-19 at maaari nang lumabas ng bahay ang mga bata. Isa ka sa nakatanggap ng mensaheng ito.
Lalabas na ng bahay upang maggala at maglaro na sa labas.
Magtatanong ka sa mga kinauukulan tungkol sa kumakalat na balita.
Ipagwawalang-bahala ang mensaheng natanggap.
Magtanong sa mga kalaro.
Nais mong malaman ang pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng Covid-19.
Magsasagawa ka ng isang ekperimento.
Mananaliksik ka sa Internet tungkol dito.
Magtatanong ka sa mga kalaro.
Magtatanong sa kapitbahay.
Ang kamag-aral ni Nina ay sinabing walang pasok kaya siya ay kumonsulta sa kanyang guro para masigurado kung mayroon o walang pasok. Anong katangian mayroon si Nina?
mabait
matiyaga
masunurin
mapanuring pag-iisip
May nagpadala sa'yo ng mensahe sa messenger na sinabing nanalo ka isang raffle draw at sinabing magpadala ka ng isang libong piso para makuha mo ang premyong sampung libong piso. Ano ang gagawin mo?
Ibibigay agad ang isang libo
Huwag sabihin sa mga magulang
Makipagkita sa nagpadala ng mensahe
Sasabihin sa magulang para matulungan ka nilang kumpirmahin ito
Nabalitaan mong may bagong bukas na Milktea Shop sa inyong lugar. Sinabi ng kapitbahay niyo na hindi masarap ang kanilang binebenta. Ano ang gagawin mo?
Bibili muna ako bago ako maniwala
Ipagkakalat ko sa iba na hindi masarap ang mga produkto nila
Hihikayatin ko ang iba na huwag bumili
Ipo-post ko sa facebook na hindi masarap aang mga produkto nila
Ano ang dapat gawin upang malaman kung mabuti o hindi mabuti ang naidudulotsa binabasa sa dyaryo?
Hayaan na lamang kung ano ang nakasulat kahit mali
Paniwalaan lahat ng naka sulat sa dyaryo
Gumamit ng mapanuring pag-iisip
lahat ng nabanggit
