wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsasanay - Aralin 2

Total questions: 10

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang titik ng tamang sagot.


Pinagbawalang makipag-usap ni Haring Madali kay Prinsipe Bantugan ang kanyang mga nasasakupan dahil sa sobrang inggit. Si Haring Madali ay . . .

a)

desperado na sa kanyang buhay dahil walang nagkakagustong dalaga sa kanya sa kanilang kaharian

b)

matindi siyang magparusa at magalit bilang hari at hindi nakaligtas dito si Prinsipe Bantugan

c)

nakagawa ng mali at makasariling desisyon bunga ng kanyang pagkainggit

2.

Piliin ang titik ng tamang sagot.


Dahil sa utos ni haring Madali ay lumayo si Prinsipe Bantugan sa kaharian ng Bumbaran. Si Bantugan ay . . .

a)

takot sa hari kaya't hindi na niya ito kinausap dahil baka patawan pa siya ng panibagong parusa

b)

tunay na gumagalang sa hari kaya't pinili na lamang niyang tumahimik at lumayo sa kabila nng kalungkutang nadarama

c)

walang kapangyarihan sa kanyang kaharian sa kabila ng kanyang pagiging prinsipe

3.

Piliin ang titik ng tamang sagot.


Nagulumihanan si Prinsesa Datimbang at ang kapatid niyang hari kaya't nakipagpulong sila sa konseho. Si Prinsesa Datimbang ay . . .

a)

malilituhin kaya't nahihirapang magdesisyon sa kanyang sarili

b)

maingat sa kanyang pagdedesisyon kaya't sumasangguni muna siya sa mga kinauukulan

c)

hindi maaaring makapagdesisyon sa kanyang sarili lamang dahil nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng konseho

4.

Piliin ang titik ng tamang sagot.


Nang malamang patay na si Prinsipe Bantugan ay lumipad sa langit si Haring Madali upang bawiin ang kaluluwa nito. Si Haring Madali ay . . .

a)

nagsisisi at napatunayan niyang mahal pa rin niya ang kapatid kaya't agad niyang ibinalik anng buhay nito

b)

nakonsensiya ng kanyang budhi kaya't mabilis na bumawi sa kanyang nagawang pagkakamali

c)

natakot lamang siya mawala si Bantugan nang tuluyan dahil mawawalan na siya ng kakampi

5.

Piliin ang titik ng tamang sagot.


Nang mabalitaan ni Miskoyaw, dating kaaway ni Haring Madali na namatay na si Bantugan ay dagli siyang nagpadala ng mga kawal upang salakayin ang Bumbaran. Si Haring Miskoyaw ay . . .

a)

mapagpatawad sa kanyang mga kaaway

b)

mapagsamantala sa kahinaan ng kapwa

c)

matalino at mahinahong hari

6.

Ano ang isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may layunin, at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa paksa?

(a)  

7.

Ito ay paraan ng pagpapalawak ng paksa na may mga salitang hindi agad-agad maintindihan kaya't kailangan bigyan ng depinisyon.

a)

Pagsusuri

b)

Paghahawig at Pagtatambis

c)

Pagbibigay-katuturan

8.

Ito ay paraan ng pagpapalawak ng paksa na nagpapaliwanag hindi lamang ng bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa't isa.

a)

Pagsusuri

b)

Paghahawig at Pagtatambis

c)

Pagbibigay-katuturan

9.

Tukuyin ang hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa pangungusap.


Naging mabigat para kay Caloy ang pagkakaroon ng maraming anak kaya naman inisip niyang iwan ang mga ito.

(a)  

10.

Tukuyin ang hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa pangungusap.


Ang ina ay nagpasiyang umalis papuntang ibang bansa sapagkat hindi niya maatim na magutom at maghirap ang kanyang mga anak.

(a)