WorksheetsAP 5 Unang Lagumang Pagsusulit
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Anong teorya ang nagsasabing ang kalupaan ng mundo ay nagsimula sa iisang kontinente lamang.
Teorya ng Tulay na Lupa
Teorya ng Bulkanismo
Teorya ng Continental Drift
Teorya ng Migrasyon
Ito ang tawag sa iisang kontinente na pinagmulan ng mga kalupaan ng mundo ayon sa Teoryang Continental Drift.
Pangaea
Tectonic Plate
Trenches
Nomads
Anong ang itinawag sa dalawang bahagi ng kalupaan ng mahati ang Pangaea?
Laura at Gondona
Laurasia at Gandana
Laurasia at Gondwanaland
Lorisa at Gondwanaland
Ito ay malakontinenteng bato na kinapapatungan ng mga kalupaan.
Trenches
Nomads
Pangaea
Tectonic Plate
Ang puwang na siyang nagiging malalim na bahagi ng karagatan na sanhi ng pagbabanggaan ng mga Tectonic Plate ay tinatawag na ___________.
Trenches
Nomads
Pangaea
Tectonic Plates
Ito ay teoryang nagsasabi na ang Pilipinas ay nabuo sanhi ng pagsabog ng mga bulkan sa ilalim ng Karagatang Pasipiko.
Teoryang Continental Drift
Teoryang Bulkanismo
Teoryang Tulay na Lupa
Teoryang Migrasyon
Sinong heologo ang bumuo at naglahad ng Teoryang Bulkanismo?
Fritjof Voss
Bailey Willis
Felipe Jocano
Alfred Wegener
Ang hilera ng mga bulkan na nabuo sa paligid ng Karagatang Pasipiko ay kilala sa tawag na ______.
Pacific Ring of Water
Pacific Ring of Fire
Pacific Ocean
Pacific Volcanoes
Ito ang teorya kung saan pinaniniwalaan na ang Pilipinas ay karugtong ng mga bansa sa Timog-silangang Asya.
Teorya ng Tulay na Lupa
Teorya ng Continental Drift
Teorya ng Migrasyon
Teorya ng Bulkanismo
Siya ang naghayag ng Teorya ng Tulay na Lupa.
Fritjoff Voss
Bailey Willis
Alfred Wegener
Felipe Jocano
Ito ang sanhi ng paglubog ng Tulay na Lupa.
Pagputok ng mga Bulkan sa iba't ibang bahagi ng mundo
Pagkasunog ng mga Kagubatan sa iba't ibang bahagi ng mundo
Pagkatunaw ng Yelo sa iba't ibang bahagi ng mundo
Pagkakaroon ng Malalakas na Bagyo
Ito ang teoryang nagsasabi na ang unang mga nanirahan sa Pilipinas ay tatlong pangkat ng mga tao na nagmula sa iba't ibang bahagi ng Timog-silangang Asya.
Teorya ng Continental Drift
Teorya ni Jocano
Teorya ng Tulay na Lupa
Teorya ng Migrasyon
Siya ang Amerikanong Antropologo na bumuo ng Teorya ng Migrasyon.
Henry Otley Beyer
Felipe Landa Jocano
Armand Mijares
Alfred Wegener
Ayon sa Teorya ng Migrasyon, sila ang pangkat na nagpunta sa Pilipinas gamit ang bangkang tinatawag nilang balangay.
Austronesians
Aeta o Negrito
Malay
Indones
Ayon sa Teorya ng Migrasyon, sila ang pangkat na nagpunta sa Pilipinas gamit ang tulay na lupa.
Austronesians
Aeta o Negrito
Malay
Indones
Ang mga labi ng tao na nahukay sa Yungib ng Tabon sa Palawan ay tinawag na mga ______.
Taong Yungib
Taong Callao
Taong Palawan
Taong Tabon
Ang mga labi ng tao na nahukay sa Yungib ng Callao sa Penablanca, Cagayan ay tinawag na mga ______.
Taong Yungib
Taong Callao
Taong Penablanca
Taong Cagayan
Ang mga labi ng tao na nahukay sa Yungib ng Callao sa Penablanca, Cagayan ay tinawag na mga ______.
Taong Yungib
Taong Callao
Taong Penablanca
Taong Cagayan
Siya ng antropologong hindi sumasang-ayon sa Teorya ni Otley Beyer at binatay niya ang kanyang teorya sa mga labi ng mga taong nahukay sa Yungib ng Tabon sa Palawan.
Alfred Wegener
Armand Mijares
Felipe Landa Jocano
Wilhelm Solheim II
Ilan ang kapuluan na bumubuo sa Pilipinas?
7,000 pulo
7,106 na mga pulo
7,107 na mga pulo
1,707 na mga pulo
Ano ang ipinaliliwanag ng teoryang Continental Drift sa pagkabuo ng mga kapuluan ng Pilipinas?
ang paggalaw ng mga kalupaan sa mundo mula sa supercontinent
ang pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan
ang pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan
pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan
Ayon sa teoryang Continental Drift, ang daigdig ay nahati sa dalawang bahagi ang Laurasia at Gondwanaland. Saang bahagi makikita ang Laurasia?
hilagang hating-globo
kanlurang hating-globo
silangang hating-globo
timog hating-globo
Ang tawag sa kung saan ang kontinente ay nagkahiwa-hiwalay dahil sa paggalaw ng lupa na tinatawag na diyastropismo. Ano ito?
formation
fossilized
supercontinent
tectonic plate
Ano ang nagdudulot sa paggalaw ng tectonic plate?
ang paggalaw ng init ng asthenosphere
ang paggalaw ng kalupaan
ang pag-iinit ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan
ang pagputok ng mga bulkan
Ano ang ipinapakita sa larawan?
ang paghihiwalay ng Pangaea 200 milyon taon na ang nakararaan
ang paghihiwalay ng daigdig ayon sa Continental Drift Theory
ipinapakita nito ang mapa ng daigdig
ito ay ang kasalukuyang panahon
Ang patuloy na pagtambak ng mga volcanic material sa ilalim ng karagatan ang nagbigay daan sa ________
paggalaw ng init sa asthenosphere
unti-unting paggalaw ng mga kalupaan
unti-unting paglitaw ng mga yelo
unti-unting paggalaw ng kapuluan ng Pilipinas mula sa karagatan
Ano ang naging bunga sa patuloy na paggalaw ng mga tectonic plate sa ilalim ng mga karagatan?
Hindi tumigil ang paggalaw ng tectonic plate.
Nabago ang anyo,hugis at posisyon ng mga kalupaan.
Natunaw ang mga yelong bumabalot sa malaking bahagi nito.
Unti-unting lumitaw ang mga pulo.
Teritoryo na sumusukat ng 200 nautical miles mula sa baseline.
Contiguous zone
Exclusive Economic Zone
Continental Shelf
Bansang nasa kanluran ng Pilipinas.
Vietnam
Indonesia
Taiwan
Iba pang tawag sa "katubigan"
Bisinal
Polar
Insular
Katubigan na nasa Timog ng Pilipinas.
Celebes Sea
Luzon Strait
West Philippine Sea
Hinahati nito ang globo sa magkaibang araw.
Equator
Prime Meridian
International Date Line
Guhit na pahalang o nakahiga.
Guhit Latitud
Guhit platypus
Guhit Longhitud
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ___________.
Timog Asya
Silangang Asya
Kanluran Asya
Timog-Silangang Asya
Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas
ay ang __________.
Bashi Channel
Dagat Celebes
Karagatang Pasipiko
Dagat Kanlurang Pilipinas
Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay
ang __________.
China
Japan
Taiwan
Hongkong
Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng ________.
tao
lupa
tubig
hayop
Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas
ay masasabing _________________.
buong kalupaan na napaliligiran ng tubig
matubig at watak-watak ang mga isla
maliit na isla ngunit matubig
layo-layo ang mga isla
Ang nagtatakda ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas
Saligang Batas ng 1987 (Artikulo 1, Seksyon 1)
Saligang Batas ng 1997 (Artikulo 1, Seksyon 1)
Saligang Batas ng 1978 (Artikulo 1, Seksyon 1)
Ano ang ELEMENTO ng pagiging isang bansa na tumutukoy sa mga naninirahan sa isang lugar?
soberanya
tao
pamahalaan
teritoryo
Ano ang ELEMENTO ng pagiging isang bansa na tumutukoy sa lugar at nasasakupan
soberanya
tao
pamahalaan
teritoryo
Ano ang ELEMENTO ng pagiging isang bansa na tumutukoy sa ganap na kalayaan sa pamamahala ng nasasakupan
soberanya
tao
pamahalaan
teritoryo
Ano ang ELEMENTO ng pagiging isang bansa na tumutukoy sa namamahala at naglilingkod sa isang bansa
soberanya
tao
pamahalaan
teritoryo
Saang Kontinente Kabilang ang Pilipinas ?
Asya
Europe
North America
South America
Ito ang naghahati sa globo sa silangang hating-globo at kanlurang hating-globo.
guhit longitude
guhit latitude
equator
prime meridian
Tawag sa mga parisukat na espasyo sa ibabaw ng globo na binuo sa pagtatagpo ng mga parallel at meridian.
prime meridian
grid
equator
latitude
Bakit may mga likhang-isip na guhit ang globo?
upang mabasa itong mabuti
upang makapunta sa iba't-ibang lugar
upang matiyak ang malalaking bansa sa buon mundo
upang matukoy ang kinalalagyan ng mga bansa sa buong mundo
Bakit kailangang malinaw ang hangganan at teritoryo ng bansa?
para mapalawak ito
para malinang ang mga yaman ng lahat
para hindi ito maangkin ng ibang bansa
para mapakinabangan at magamit ito ng sinoman
Ito ay isang Agham Panlipunan na naglalarawan tungkol sa pisikal na anyo ng Mundo.
Heologo
Heograpiya
Kartograpiya
Populasyon
Ano ang tawag sa gumagawa ng mga mapa?
Kartograper
Historyador
Antropologo
Siyentista
