wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Panimulang Pagsusulit sa Grade 8

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar.

a)

Maikling kwento

b)

Kwentong bayan

c)

Epiko

d)

Alamat

2.

Itinakbo sa ospital ang babae sapagkat nahimatay siya sa pagod. Alin sa pahayag ang nagpapakita ng bunga ng pangyayari?

a)

itinakbo sa ospital

b)

nahimatay sa pagod

c)

nasuka sa pagod

d)

pagod

3.

Makakapasa ako sa pagsusulit kung mag-aaral ako nang mabuti. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?

a)

sa

b)

ako

c)

kung

d)

ng

4.

Ito ay karaniwang tumatalakay sa mga kwentong m,ay kinalaman sa Diyos, Diyosa, Bathal, Diwata at mga kakaibang nilalalang na may kapangyarihan.

a)

Karunungang Bayan

b)

Alamat

c)

Mito

d)

Epiko

5.

Dito makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda.

a)

Banghay

b)

Tauhan

c)

Tagpuan

d)

Simbolismo

6.

Ito ay mga paalalang makikita sa mga pampublikong sasakyan gaya ng dyip, traysikel, o bus.

a)

Bugtong

b)

Tula/Awiting mapanudyo

c)

Tugmang de Gulong

d)

Palaisipan

7.

Ito ay isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.

a)

Tula

b)

Sanaysay

c)

Talata

d)

Dula

8.

Ito ay isang ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap o magaganap pa lamang na nagtataglay ng kawilihan at nagbibigay ng mahalagang impormasyon sa mambabasa.

a)

Balita

b)

Maikling Kwento

c)

Dulaan

d)

Sanaysay

9.

Siya ang bunsong anak ni Haring Fernando. Siya rin ang nakahuli sa Ibong Adarna.

a)

Don Pedro

b)

Don Diego

c)

Don Carlo

d)

Don Juan

10.

Siya ang asawa ni Haring Fernando. Siya ang reyna ng Berbanya. Kinikilala siya bilang mabait at magandang reyna.

a)

Reyna Mystica

b)

Reyna delas Flores

c)

Reyna Valeriana

d)

Reyna Floresca