wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tamang Pagdedesisyon

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin at isulat ang titik ng pinakawastong kasagutan .

Napagsabihan si Carlo ng kanyang guro dahil sa nakitang napakaraming kalat sa ilalim ng kanyang upuan. Nangatwiran siya na hindi siya ang may gawa noon, lalo lamang nadagdagan ang sermon sa kanya ng kanyang guro sa ginawa niyang pagsagot. Paglingon sa katapat na hilera ay nakita niyang nakangisi si Albert.Naisip niyang ito ang may gawa. Ano ang marapat na gawin ni Carlo sa sitwasyong ito?

a)

Susugurin si Albert pagkatapos ng klase para awayin ito sa ginawa

b)

Kakausapin si Albert pagkatapos ng klase para tanungin kung nakita ba niya kung sino ang may gawa ng kalat

c)

Isusumbong si Albert sa guro na siya ang may gawa ng kalat

d)

Hindi na lang ako papasok bukas dahil sa hiya sa klase

2.

Ang tamang kahulugan ng pagdedesisyon ay ________________________.

a)

tamang pagpili ng solusyon o kasagutan sa isang sitwasyon o suliranin na makabubuti sa higit na nakararami..

b)

pagbibigay ng solusyon ayon sa kung ano ang naiisip kong tama

c)

pagpili ng solusyon na higit na kumportable sa akin

d)

pag-aksyon agad agad sa isang problema

3.

Si Janine ay bagong lipat sa paaralan sa ikaanim na baitang. Wala pa siyang kakilala. Minabuti niyang pumasok ng maaga sa kanyang klase, laking gulat niya nang may mas maaga pa pala sa kanya. Inabutan niya ang isang batang babae sa silid na may kinuhang supot sa kabinet sa lamesa ng guro. Ano ang marapat na gawin ni Janine sa sitwasyong ito

a)

Hindi na lang papansinin ang nangyari

b)

Lalabas na lang uli ng silid at hintayin na dumating na ang guro

c)

Uuwi na lang uli dahil baka may kung ano pang hindi magandang manyari

d)

Kakausapin ang bata, makikipagkilala at aalamin kung ano ang bagay na kaniyang kinuha sa lamesa ng guro

4.

Matalik kayong magkaibigan ni Zarina. Mula sa unang baitang ay kaklase mo na siya. Ngayon sa ika-anim na baitang ay pareho kayong napili para pagbotohan sa pagkapangulo sa klase. Alam mong gusting-gusto ni Zarina ang maging pangulo sa klase. Ano ang gagawin mo?

a)

Aayaw na lang ako na pagpiliian bilang pangulo

b)

Sasabihin ko ng palihim sa mga kaklase ko na si Zarina ang iboto

c)

Kakausapin ko si Zarina at sasabihing ano man ang kahinatnan ay magkaibigan pa rin kami at hayaan na lang naming pagpasiyahan ito ng klase

d)

Ipatitigil na lang ang botohan at papiliin na lang ang guro ng magiging pangulo ng klase

5.

Sa pagdedesiyon ay kinakailangan ang katatagan ng loob. Bakit?

a)

dahil hindi lahat ng tao ay aayon sa iyong desisyon, ngunit kailangang manindigan lalo kung ito ang makabubuti sa higit na nakararami.

b)

dahil siguradong maraming makakaaway sa pagbibigay mo ng desisyon

c)

dahil ikaw ang lider at dapat ay makita nilang tama para sa iyo ang desisyon mo

d)

dahil marami ang kokontra sa desisyon

6.

Naputol ang paa ni Mang Roger mula sa aksidente habang nagmamaneho siya ng jeep. Nalubog sila sa utang dahil sa pagpapagamot sa kanya, samantalang ang kaniyang kaso mula sa nakabangga ay patuloy pa sa korte. Si Oca ang panganay sa limang magkakapatid. Apat silang nag-aaral ngunit sa sitwasyon nila sa buhay ay halos di makapasok dahil sa kakulangan ng panggastos. Tumanggap na rin ng labada ang ina ngunit di sapat sa gastusin ng pamilya. Ano ang marapat na gawin ni Oca.

a)

Huminto sa pag-aaral at magtinda ng sigarilyo sa kalsada para masuportahan ang pag-aaral ng mga kapatid

b)

Mamalimos sa jeep para sa panggastos ng pamilya

c)

Humanap ng maaaring pagkakitaan tulad ng paglalako ng kakanin at ituloy pa rin ang pag-aaral

d)

Lumayas at humanap ng maaaring tuluyan na aampon sa kanya

7.

Umalis ang nanay ni Rizza para magbayad ng amilyar sa munisipyo. Nagbilin siya kay Rizza na huwag aalis ng bahay hanggat di siya dumarating. Nagkataon namang may group project sila na gagawin sa bahay ng isang kaklase sa kabilang subdibisyon. Alam naman ito ng kanyang nanay at pinayagan siya. Ngunit oras na ng usapan nilang magkakagrupo ay wala pa ang nanay niya. Ano ang dapat gawin ni Rizza?

a)

Itutuloy ang pag-alis, mag-iiwan na lang ng sulat para sa ina at iiwan ang susi ng bahay sa kapit-bahay

b)

Aalis pa rin at ikakandado na lang ang bahay

c)

Hindi na lang aalis pero maiinis at hindi muna papansinin ang nanay

d)

Hihintayin pa rin ang nanay, saka aalis pagdating nito at magpapaliwanag at hihingi na lang ng paumanhin sa mga kagrupo.

8.

May bagong transfer sa klase nila Nimfa sa araw na iyon. Iyon din ang araw na ipapakita nila ang hinandang pangkat-gawain.Siya ang lider ng kanilang pangkat at bawat isa ay may gampanin na. Sa grupo niya isinali ang bagong lipat nilang kaklase. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Isasali na rin ang bagong kaklase at bibigyan ito ng kahit na maliit na gampanin upang mapabilang sa grupo

b)

Pakiki-usapan na lang ang kaklase na saka na lang siya isasali

c)

Hindi na lang muna papansinin ang bagong kaklase dahil kadadating lang naman nito

d)

Isasali ang kaklase at bibigyan ito ng mahirap na gampanin upang masubok ang kakayahan

9.

Alin sa mga pangungusap ang tama tungkol sa pagbuo ng isang desisyon?

a)

Sa paggawa ng desisyon ay kinakailangan ang pagkaalam sa mabuti at masama.

b)

Marapat na suriing mabuti ang sitwasyon kung ang desisyon ay makabubuti sa higit na nakararami

c)

Ang katatagan ng loob ay kailangang taglay sa pagdedesisyon pagkat hindi lahat ng tao ay aayon sa desisyong iyong ginawa.

d)

Lahat ay tama

10.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

Isulat ang letrang T kung tama at letrang M kung mali.


1. Ang tamang impormasyon ay nakakatulong sa tamang pagdedesisyon.

a)

T

b)

M

11.

2. Si Alden ay naniwala sa kanyang narinig sa kapitbahay na hindi sinuri kung ito ay totoo o hindi.

a)

T

b)

M

12.

3. Dapat mag-ingat sa pagbibigay ng impormasyon lalo na kung panahon ng krisis.

a)

T

b)

M

13.

4. Lahat ng balita na napapanood sa internet ay totoo.

a)

T

b)

M

14.

5. Ang fake news ay nakapaghahatid ng kapahamakan sa kapwa.

a)

T

b)

M

15.

6. Dapat paniwalaan lahat ng balita.

a)

T

b)

M

16.

7. Ang radyo ay isa sa nakukunan natin ng impormasyon.

a)

T

b)

M

17.

8. Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagpapakita ng pagmamahal.

a)

T

b)

M

18.

9. Okey lang magsinungaling kung ang iyong gagawin ay para sa ikabubuti ng iyong kaibigan.

a)

T

b)

M

19.

10. Dapat mahalin at igalang ang kaibigang sinungaling.

a)

T

b)

M

20.

10. Dapat mahalin at igalang ang kaibigang sinungaling.

a)

T

b)

M