wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Heograpiya ng Daigdig

Total questions: 15

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ang daigdig ay may pitong (7) kontinente at ang itinuturing na pinakamalaking kontinente ay ang ________________.

a)

Aprica

b)

Asia

c)

Antarctica

d)

Australia at Oceania

2.

Ito ang tawag sa pinakamaking masa ng lupain sa daigdig.

a)

Bansa

b)

Kontinente

c)

Bundok

d)

Talampas

3.

Anong tema ng heograpiya ang tinutukoy sa pahayag na, Ang Pilipinas ay kasapi ng Association of Southeast Asian Nations?

a)

Interaksiyon

b)

Lokasyon

c)

Paggalaw

d)

Rehiyon

4.

Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?

a)

Ang Germany ay miyembro ng European Union

b)

Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay mga Kristiyano

c)

Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan

d)

Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea

5.

Ang ikalawang pinakamalaking kontinente at pinaniniwalaang dito tumira ang kauna-unahang tao sa mundo kaya naman ito ay tinaguriang Cradle of Human

Race.

a)

Africa

b)

Asia

c)

Europe

d)

North America

6.

Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa lokasyon bilang isa sa mga tema ng heograpiya MALIBAN sa ____________.

a)

Ang kontinente ng Asya ay napalilibutan ng Pacific Ocean sa silangan, Indian Ocean sa timog, at Arctic Ocean sa hilaga

b)

Libo-libong Pilipino ang nangingibang bansa sa Canada at New Zealand upang magtrabaho

c)

Ang Bacnotan ay nasa katabing bayan ng Balaoan at San Juan

d)

Ang South Korea ay nasa 37˚ 33’ N, 126˚ 58’ E

7.

Ano ang tawag sa pag-aaral sa mga katangiang pisikal ng daigdig at ng interaksyon ng tao sa kaniyang kapaligiran?

a)

Antropolohiya

b)

Ekonomiks

c)

Heograpiya

d)

Kasaysayan

8.

Ang teoryang nagpapaliwanag na dating magkaugnay ang mga kontinente subalit unti-unti itong umaanod nang pahiwalay ay ang _______________.

a)

Continental Drift Theory

b)

Teorya ng Ebolusyon

c)

Theory of Creation

d)

Teorya ng Dalawang Magkaibang Tipo ng Kontinente

9.

Ito ang tema ng heograpiya na tumutukoy sa kinarorooonan ng mga lugar sa daigdig.

a)

Interaksiyon

b)

Lokasyon

c)

Paggalaw

d)

Rehiyon

10.

Ang malaking tipak ng lupain na tinawag na super continent na nang kalaunan ay naging pito (7) matapos ang napakaraming mga taon ay ang ________________.

a)

Aegean

b)

Big Bang

c)

Nebular

d)

Pangaea

11.

Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa interaksyon ng tao at kapaligiran bilang isa sa mga tema ng heograpiya?

a)

Pangingisda ang isa sa mga aktbong ikinabubuhay ng mga tao sa Pilipinas sanhi ng napalilibutan ng dagat ang bansa

b)

May tropikal na klima ang Indonesia

c)

Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia

d)

Kasapi ang Pilipinas sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC)

12.

Ang pinakamaliit na kontinente sa daigdig na katatagpuan ng mga hayop tulad ng koala at kangaroo ay ang ________________.

a)

Africa

b)

Antarctica

c)

Asia

d)

Australia at Oceania

13.

Anong kontinente ang walang permanenteng taong naninirahan?

a)

Africa

b)

Antarctica

c)

Europe

d)

North America

14.

Ano ang tawag sa pangunahing linya ng latitud na nasa 0˚?

a)

Ekwador

b)

Longhitud

c)

Lokasyon

d)

Lugar

15.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa Limang Tema ng Heograpiya?

a)

Interaksiyon

b)

Komunidad

c)

Lokasyon

d)

Lugar