wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 4

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

___ 1. Inutusan ka ng nanay mo na hugasan ang mga pinagkainan ninyo at ng mga bisita. Nagmadali ka sa paghugas at nagalit ang nanay mo nang makita na may naiwan pang sabon sa ibang hinugasan mo. Ano ang gagawin mo?

a)

a. hindi ka na papayag na maghugas ng pinagkainan

b)

b. iiyak ka at magkukulong sa kuwarto

c)

c. tatanggapin mo ang iyong pagkakamali at hihingi ng tawad

d)

d. tatahimik ka na lang

2.

2. Tinuruan ka ng nanay mo na gamitin ang washing machine habang wala siya. Nawalan ng kuryente at hindi mo ito mapaandar uli pagbalik ng kuryente. Ano ang gagawin mo?

a)

a. magtatago ka kay Nanay

b)

b. ipapaliwanag mo ang nangyari kay Nanay at magpapaturo uli sa paggamit ng washing machine

c)

c. hindi ka na gagamit ng washing machine

d)

d. lalabhan mo sa kamay ang mga damit

3.

3. Gusto mong matutong mag-gitara kaya tinuruan ka ng kuya mo. Matapos ang ilang buwan, mahusay ka nang tumugtog ng gitara. Pinatugtog ka ng nanay mo sa Family Reunion. Nagkamali ka sa unang pagtugtog. Ano ang gagawin mo?

a)

a. aalis ka at magkukulong sa kuwarto mo

b)

b. hindi ka na uli tutugtog ng gitara

c)

c. hihingi ka ng dispensa at uulitin ang pagtugtog nang walang mali

d)

d. sisirain mo ang gitara at aalis nang galit

4.

4. Matagal mo nang gustong matutong lumangoy. Nalaman ito ng tatay mo at tinuruan ka niyang lumangoy. Isang umaga, muntik ka nang malunod nang lumangoy ka, kasama ang tatay mo at dalawang kapatid. Ano ang gagawin mo?

a)

a. hindi ka na uli lalangoy

b)

b. lalangoy ka kapag kasama lamang ang tatay mo o mga kapatid

c)

c. iiyak ka at hindi na pupunta sa dagat o swimming pool

d)

d. iisipin ko na isang karanasan iyon na pagpupulutan ng aral at itutuloy ko ang paglangoy

5.

5. Nagpaturo ka sa classmate mo tungkol sa isang takdang-aralin sa Math. Ginawa mo ang takdang-aralin ayon sa paggabay ng classmate mo. Pagbalik sa iyo ng takdang-aralin, nakita mo na isa lang ang nakuha mong tama ang sagot. Ano ang gagawin mo?

a)

a. hindi ka na magpapaturo sa susunod

b)

b. hahayaan mo na lang na mababa ang grade mo sa Math

c)

c. aalamin mo kung bakit ka nagkamali at susubukan gawin ang tama sa susunod

d)

d. bahala na sa susunod

6.

6. Hindi ka na kinakausap ng matalik mong kaibigan dahil sa nagawa mo sa kaniyang pagsinungaling. Ano ang gagawin mo?

a)

a. maghahanap ka ng ibang kaibigan

b)

b. kakalimutan mo na siya

c)

c. iiwasan mo na siya

d)

d. hihingi ka ng tawad at sasabihin mo sa kaniya na nais mong makipagkaibigan uli gaya nang dati

7.

7. Humingi ng tulong sa iyo ang kaklase mo sa English. Tinuruan mo siya, pero ang hirap niyang turuan dahil matagal siya makaunawa. Ano ang gagawin mo?

a)

a. tuturuan mo pa rin siya at bibigyan ng mga halimbawa para mas maunawaan niya ang sinasabi mo

b)

b. susuko ka na

c)

c. sasabihin mo na sa ibang kaklase na lang siya magpaturo

d)

d. pagagalitan mo siya para mabilis siyang matuto

8.

8. Nais mong magbawas ng timbang dahil tinutukso kang mataba. Nagsimula kang mag-exercise at magbawas ng pagkain. Nahirapan ka. Ano ang gagawin mo?

a)

a. kakain ka nang marami pagkatapos mag-exercise

b)

b. titiisin mo ang hirap at gutom para magtagumpay na pumayat

c)

c. babawi ka sa tulog at kain

d)

d. iiyak ka at magkukulong sa kuwarto habang kumakain

9.

Nais mong tumaas ang grades mo sa darating na exams. Naghanda ka nang maaga na mag-aral at ipagliban ang laro at gadgets. Ilang araw pa lang, gusto mo na sumuko. Ano ang gagawin mo?

a)

a. hindi ka na magbubukas ng aklat at notebook

b)

b. balik ka sa dating gawi: games muna bago aral

c)

c. hindi ka magpapadala sa tukso at itutuloy mo ang pag-aaral at paghanda sa exams

d)

d. hihintayin mo pag malapit na exams saka ka mag-aaral

10.

10. Gusto mong gamitin sa mas tama ang oras mo sa bahay imbis puro laro. Naglinis ka ng kuwarto mo at nakita mo ang tinatago mong mga laruan. Ano ang gagawin mo?

a)

a. tatawagin mo ang kapatid mo para maglinis habang maglalaro ka

b)

b. uupo ka muna at mag-palabunutan kung maglilinis o maglalaro

c)

c. paglalaruan mo muna ang matagal mo nang hinahanap na mga laruan

d)

d. itatabi mo ang mga laruan at tatapusin mo ang paglinis ng kuwarto