wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Diagnostic Test in EsP

Total questions: 30

Worksheet time: 3hrs 30mins

Name
Class
Date
1.

1. Ito ang hilig gawin ni Ana. Ano ang gusto niyang gawin?

a)

A. kumanta

b)

B. magbasa

c)

C. sumayaw

2.

2. Ang magkapatid na sina john at Tintin ay masayang kumakanta sa isang salo-salo ng kanilang pamilya kaya sila ay pinuri at pinalakpakan pa. Bakit kaya ginagawa nila ito?

a)

A. Upang palakpakan sila.

b)

B. Upang ipakita ang kanilang kakayahan.

c)

C. Upang ipagyabang ang kanilang kakayahan.

3.

3. Paano ipinakita nina John at Tintin ang kanilang kakayahan?

a)

A. Nahiya at nagtago.

b)

B. Hindi kumanta at umiyak.

c)

C. Masayang kumanta at nagtiwala sa sarili.

4.

4. May kaklase kang hindi marunong magbasa. Ano ang magagawa mong tulong upang matuto siya?

a)

A. Pagtawanan siya.

b)

B. Turuan siya habang hindi pa nagkaklase.

c)

C. Pabayaan siyang turuan ng kanyang magulang.

5.

5. Hindi mo masyadong naintindihan ang aralin sa Matematika. Ano ang dapat mong gawin upang maunawaan mo ang aralin?

a)

A. Maglalaro

b)

B. Hayaang hindi alam ang aralin.

c)

C. Mag-aral at magpaturo sa nanay.

6.

6. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng malinis na katawan?

a)
b)
c)
7.

7. Alin sa mga pagkain ang nakapagpapalusog ng iyong katawan?

a)
b)
c)
8.

8. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit mo para manatiling malinis ang iyong ngipin?

a)
b)
c)
9.

9. Bakit kailangang laging malusog ang iyong katawan?

a)

A. Upang hindi ako magkasakit.

b)

B. Upang makapaglaro ako.

c)

C. Upang hindi ako tumaba.

10.

10. Ano kaya ang mangyayari sa iyo kung laging gabing-gabi ka na matutulog dahil sa paglalaro mong gadget?

a)

A. Ako ay magiging matalino.

b)

B. Ako ay magiging sakitin.

c)

C. Ako ay magiging malusog.

11.

11. Wala kayong kasambahay kaya ang Lola at Lolo mo ang kasama mo sa bahay. Ano ang dapat mong gawin upang hindi sila mahirapan sa mga gawaing bahay habang wala ang iyong magulang?

a)

A. Hindi ko sila papansinin.

b)

B. Tutulungan ko sila sa mga gawain.

c)

C. Pababayaan ko silang gumawa ng mga gawain.

12.

12. Maysakit ang inyong kasambahay at kinakailangan niyang uminom ng gamot. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

A. Pababayaan ko siya.

b)

B. Bibigyan ko siya ng tubig.

c)

C. Hahayaan kong uminom siya ng gamot mag-isa.

13.

13. Bilang isang bata, sa anong paraan mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa oras ng kalamidad?

a)

A. Bibigyan ko sila ng pera.

b)

B. Magbibigay ako ng mga luma kong damit na maaari pang magamit.

c)

C. Hihingi ako sa kaklase ko ng mga pagkain para may maibigay ako sa kanila.

14.

14. May takdang aralin ka na dapat mong sagutin ngunit hindi mo alam kung paano sagutan. Wala pa ang iyong nanay. Sino ang dapat mong hingan ng tulong?

a)

A. bunso

b)

B. ate

c)

C. kapitbahay

15.

15. Sina Tintin at Jomar ay laging sumasagot ng “po” at “opo” sa kanilang mga magulang kapag kinakausap. Anong ugali ang ipinapakita ng magkapatid na sina Tintin at Jom?

a)

A. mapagmahal

b)

B. matapat

c)

C. magalang

16.

16. Bakit kailangang maging magalang ang mga bata na katulad mo sa nakatatanda?

a)

A. Upang ako ay katuwaan ng mga tao.

b)

B. Upang ako ay kainggitan ng mga kaklase ko.

c)

C. Upang ako ay laging pupurihin ng mga magulang ko.

17.

17. Ano ang ginagawa ng isang batang matapat?

a)

A. Sumusunod sa utos.

b)

B. Tumutulong sa kapwa.

c)

C. Nagsasabi nang totoo.

18.

18. Bilang isang bata, ano ang dapat mong gawin upang maging maganda ang buhay mo?

a)

A. Mag-aral nang mabuti.

b)

B. Maglaro ng mga gadget.

c)

C. Sumama sa mga kaibigan kahit saan.

19.

19. Isa ka sa mga batang pinapakain sa “Feeding”. Nakita mong gulay ang ulam. Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Kakainin ko ang pagkain.

b)

B. Hindi ako kakain ng pagkain.

c)

C. Babalik na lang ako sa silid-aralan.

20.

20. Alin sa mga pagkaing ito ang dapat mong kainin bago ka pumasok sa paaralan?

a)

A. kanin at hotdog

b)

B. kanin at pritong manok

c)

C. kanin, pakbet at pritong isda

21.

21. Nagluto ang nanay mo ng gulay na ulam. Hindi kumakain ng gulay ang kapatid mo. Ano ang dapat mong gawin upang kumain ng gulay ang kapatid mo?

a)

A. Kakain ako ng gulay para gayahin ako ng kapatid ko.

b)

B. Pipilitin kong kumain ng gulay ang kapatid ko.

c)

C. Ipapaliwanag ko sa kapatid ko na kailangan niyang kumain ng gulay dahil ito ay maganda sa katawan.

22.

22. Pinag-aaral ka ng iyong magulang. Paano mo masusuklian ang paghihirap nila sa iyo?

a)

A. Tatamarin ako sa pag-aaral.

b)

B. Mag-aaral ako ng mabuti.

c)

C. Maglalaro na lang ako maghapon.

23.

23. Binilhan ka ng iyong magulang ng mga gamit sa paaralan. Paano mo maipapakita sa kanila na pinapahalagahan mo ang mga kagamitang ito?

a)

A. Inaaksaya ko ang aking mga papel.

b)

B. Nilalagay ko kahit saan ang aking mga gamit.

c)

C. Tinitipid at inaayos ko araw araw ang aking mga gamit

24.

24. Ano ang mangyayari sa ating paligid kapag ang mga tao ay tapon nang tapon ng basura kahit saan?

a)

A. Dadami ang basura sa paligid.

b)

B. Magiging malinis ang ating paligid.

c)

C. Magiging kaunti ang basura sa paligid.

25.

25. Ang bawat tao ay dapat isipin na kahit saan pumunta , sa pagtatapon ng basura ay may _____________________.

a)

A. pagkain

b)

B. disiplina

c)

C. pagkukusa

26.

26. Para mabawasan ang inyong basura, ano ang maaari mong gawin sa mga balat ng gulay at prutas ?

a)

A. Itapon sa basurahan.

b)

B. Gawing pataba sa mga halaman.

c)

C. Ipakain sa mga alaga mong hayop.

27.

27. Sa pagtapon ng basura kailangan nating ihiwalay ang mga basurang nabubulok, di-nabubulok at Nareresiklo. Saang basurahan mo ilalagay ang mga bote at lata ?

a)

A. Nabubulok

b)

B. Di-Nabubulok

c)

C. Nareresiklo

28.

28. Bilang isang bata, alin dito ang dapat mong gawin

sa panahon ng krisis na may COVID 19 virus sa ating

bansa?

a)

A. Maglaro ng gadget.

b)

B. Manatili sa loob ng bahay.

c)

C. Makipaglaro sa labas.

29.

29. Sa panahon ng krisis gaya ng pagkakaroon ng COVID-19 virus sa ating bansa ay wala na kayong makain dahil sa lockdown. Binigyan kayo ng lutong pagkain ng inyong kapitbahay. Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Magpasalamat sa Diyos.

b)

B. Humingi pa ng pagkain sa mga kaitbahay.

c)

C. Awayin ang mga kapitbahay.

30.

30. Lagi kang nagdadasal na sana gumanda na ang takbo ng buhay ninyo. Ngunit naghihirap parin kayo.

Dapat ka bang magtampo sa Panginoon?

a)

A. Opo

b)

B. Hindi po

c)

C. Marahil