WorksheetsPanimulang Pagtataya
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop ang gumaganap na tauhan sa kuwento.
Parabula
Pabula
Isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
Maikling Kuwento
Kuwentong Bayan
Isang uri ng panitikan na nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Epiko
Dula
Ito ay isang salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Maikling Kuwento
Kuwentong Bayan
Isang uri ng kathang nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook at katawagan.
Kuwentong Bayan
Panitikan
Ito ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at pangamba.
Maikling Kuwento
Panitikan
Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
Epiko
Pabula
Mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
Sanhi
Pang-ugnay
Ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
Sanhi
Bunga
Ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari.
Sanhi
Bunga
