NEW
Font size
WorksheetsWEEK 1- MAIKLING PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
Total questions: 10
Worksheet time: 6mins
Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng nga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong.
Karunungang-Bayan
Awiting Bayan
Dulaang Bayan
Kantahing Bayan
Ito ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan.
Salawikain
Bulong
Kasabihan
Bugtong
Sagutan ang bugtong: Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
Pusa
Kabayo
Baboy
Aso
Tukuyin ang kahulugan ng sawikain/idyoma na "taingang kawali"
Nagbibingi bingihan
naririnig
may problema sa pandinig
hindi makaunawa
Ito ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at may lima hanggang labindalawang pantig.
Bulong
Palaisipan
Bugtong
Kasabihan
Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.
Salawikain
Sawikain/Idyoma
Bulong
Palaisipan
Sagutan ang bugtong: "Kung kailan ko pinatay, saka pa humaba ang buhay"
ilaw
Kandila
halaman
lapis
Sagutan ang bugtong: "Baboy ko sa Pulo, balahibo'y pako"
pinya
duhat
sili
Langka
Ano ang kahulugan ng salawikain na "Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar din pagdating ng panahon"
Hindi nananalo ang mga umaayaw.
Pabago-bago ang takbo ng buhay.
Ano mang gawing tago sa katotohanan, lilitaw at lilitaw pa rin ito.
Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga.
Palaisipan: May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod nito ay may mga panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan palabas. Sa ikalawa naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa huli naman ay may isang leon na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka dadaan?
Sa unang pinto na may malaking apoy
Sa ikalawang pinto na mayroong babaril sayo
Sa ikatlong pinto na may leon na 3 taon ng hindi kumakain
wala sa nabanggit
