wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 10 - Maikling Pagtataya

Total questions: 15

Worksheet time: 24mins

Name
Class
Date
1.

Ang tao ay may kakayahan sa pag-unawa, kamalayan, at pag-iisip sa hinaharap. Ano pa ang kakayahan na pupwedeng maidulot nito?

a)

A. Mayroon siyang kakayahang magbigay-kahulugan sa mga kaganapan at mga namamasdan.

b)

B. Kaya niyang resolbahin ang problemang maaari niyang kaharapin ng walang pagkakamali sa bawat desisyong tatahakin.

c)

C. Mayroon siyang kakayahan na balikan ang mga maling desisyon na kaniyang napili at itama ito sa hinaharap o sa kasalukuyan.

2.

Sa higit na mataas na antas ng paghahalaw, nakabubuo siya ng mga mas malalim na konsepto tungkol sa buhay, layunin, pagpapahalaga, moralidad, pamayanan, at katarungan. Ano ito?

a)

A. Kilos-loob

b)

B. Pakiramdam

c)

C. Isip

3.

Kumpletuhin: Ang mataas na paggamit ng kilos-loob ay ang ______________ na dulot ng mataas na kamalayan ng ating sariling pag-iisip at pag-unawa ng kaalaman.

a)

A. malayang paghatol

b)

B. malayang pagpili

c)

C. malayang kumilos

4.

Kumpletuhin: Ang bawat pag-unlad ng ating kaalaman ay dapat patungo sa pag-unlad ng mga pagpapahalaga at ng ating _______________.

a)

A. nararamdaman

b)

B. pagkatao

c)

C. pananampalataya

5.

Ayon sa kaniyang pag-aaral, ang isip at kilos-loob ay nagkakaroon ng pagbabago at kumplikadong interaksiyon na maaaring dumaan sa limang yugto. Sino ang tinutukoy dito?

a)

A. Macmanaman

b)

B. Stump

c)

C. Aquinas

6.

Ang tao ay may kalayaang pumili. May kakayahan siyang magtaya kung _______________ ang isang paraan para sa pagkamit ng layunin.

a)

A. nakabubuti sa kaniya

b)

B. nararapat sa sitwasyon

c)

C. tama at mabuti

7.

Ito ay ang kakayahan ng isang tao na tukuyin ang isang gawain kung ito ay mabuti o masama. Anong kakayahan ito?

a)

A. makipagtalakayan

b)

B. humusga

c)

C. pumili

8.

Ito ang panglimang yugto ng pagbabago at interaksyon ng Isip at Kilos-loob. Ano ito?

a)

A. Ang isip ay iuutos na gawin ang pinakamabuti.

b)

B. Ang isip ay tutukuyin ang pinakamabuting paraan para sa sitwasyon.

c)

C. Ang kilos-loob ay pipiliin ang paraang pinakamabuti na tinutukoy ng isip.

9.

Ito ay ang mismong karunungan ng Diyos o isip ng Diyos na namamahala sa lahat ng kilos at galaw ng lahat ng umiiral sa sansinukuban.

a)

A. Batas ng Tao

b)

B. Lex Naturalis

c)

C. Batas Eternal

10.

Ito ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang karangalan na maging Kaniyang kapwa-manlilikha.

a)

A. Batas Eternal

b)

B. Batas ng Tao

c)

C. Lex Naturalis

11.

Kailangan ng mga tao, lalo na ng mga kabataan ang batas na ito upang sila ay masanay sa paggawa ng mabuti kahit na ang karaniwang dahilan ng pag-iwas sa paggawa ng masama ay ang pagkatakot sa parusa sa batas.

a)

A. Lex Naturalis

b)

B. Batas ng Tao

c)

C. Batas Eternal

12.

Ang tao ay nagkakamali ng paghatol, lalo na sa mga pabago-bago at mga partikular na bagay.

a)

A. Batas ng Tao

b)

B. Lex Naturalis

c)

C. Batas Eternal

13.

Ang tao ay imago Dei (kawangis Niya) na nangangahulugan na ang tao ay nakikibahagi sa intelektuwal na esensiya ng Diyos.

a)

A. Batas Eternal

b)

B. Batas Moral

c)

C. Lex Naturalis

14.

Ito ay ang prinsipyo ng paghahari, pamamahala, paggabay, at pangangalaga ng Diyos sa lahat ng Kaniyang mga nilikha mula sa pinakamataas at pinakamarangal hanggang sa pinakapayak at pinakamailiit

a)

A. Lex Naturalis

b)

B. Batas Moral

c)

C. Batas Eternal

15.

Ang tao ay dapat alamin ang kabuuan ng kaniyang pagkatao, pagsasanib ng lahat ng mabuti, maganda, at totoo sa kaniya.

a)

A. Tama

b)

B. Mali

c)

C. Depende sa Sitwasyon