WorksheetsEPP - Unang Pagsubok at Wakas na Pagusulit-carnelian
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Piliin ang Tama kung ang isinasaad ng
pangungusap ay wasto at Mali naman kung hindi.
Ang abonong organiko ay gawa sa mga pinabulok na mga patapong bagay tulad ng pinagbalatan ng mga gulay at prutas, pinagtabasan ng mga damo at dahon, dumi ng hayop at lahat ng mga bagay na nabubulok.
TAMA
MALI
Maaaring isama sa paggawa ng abonong organiko ang basag na salamin at mga plastic.
TAMA
MALI
Maaaring makatulong ang paggawa ng organikong abono sa pamilya.
TAMA
MALI
Ang compost pit ay maaaring isagawa sa rooftop ng bahay.
TAMA
MALI
Mas mainam isagawa ang basket composting sa mga lugar na may maliit na espasyo o sa urban area.
TAMA
MALI
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Ang mga sumusunod ay mga basurang itatapon na. Alin sa mga ito ang HINDI maaaring isama sa paggawa ng abonong organiko?
tuyong dahon
tira-tirang pagkain sa kusina
dinurog na shell ng itlog
pinagbalatan ng gulay at prutas
Ang Republic Act 9003 o “Ecological Solid Waste Management Act of 2000” ay batas
na nagsasaad ng mga layunin na may kinalaman sa kapaligiran. Piliin sa mga
sumusunod ang HINDI kasama sa mga layunin nito?
Wastong pamamahala ng basura.
Wastong paggamit sa likas na yaman.
Nagbibigay ng relief goods sa bawat pamilyang nagugutom.
Nagpapaliwanag sa tamang paghihiwa-hiwalay ng mga basura at pagproseso ng mga ito.
Ang mga sumusunod ay magagandang epekto ng paglalagay ng abonong organiko sa lupa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
Pinalalambot nito ang lupa.
Tumataas ang acid content ng lupa.
Pinaluluwag ang daloy ng hangin.
Pinabubuti ang kapasidad na humawak ng tubig o water holding
capacity.
Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko sa kapaligiran?
Napatataas ang antas ng paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
Maaaring maiwasan ang paglaganap o pagkalat ng sakit.
Nababawasan ang polusyon sa hangin.
Lahat ng nabanggit
Ano ang ibang tawag sa abonong organiko?
Compost
Artificial fertilizer
Triple 14
Komersyal na abono
