wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Weekly Test in MTB (Wk 1)

Total questions: 20

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Nakasalubong ni Marta ang kanyang guro. Ano ang dapat niyang sabihin?

a)

Magandang araw naman.

b)

Magandang araw.

c)

Magandang araw po, guro

2.

Tumawag sa telepono ang kaibigan ng kuya mo at ikaw ang nakasagot. Ano ang dapat mong sabihin?

a)

Sandali, tatawagin ko.

b)

Ay! Baka tulog.

c)

Sandali lang po, tatawagin ko ang kuya.

3.

Ikaw ay magpapaalam sa iyong mga magulang upang pumunta sa paaralan. Ano ang dapat mong sabihin?

a)

Mama, Papa, papasok na po ako.

b)

Papasok na ako.

c)

Alis na ako.

4.

Inutusan ka ng iyong nanay na iligpit ang iyong mga laruan. Ano ang dapat mong sabihin?

a)

May ginagawa pa po ako.

b)

Opo, nanay.

c)

Ayoko, nanay.

5.

Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pagkanta. Ano ang sasabihin mo?

a)

Wala iyon.

b)

Maraming salamat po.

c)

Talagang magaling ako.

6.

Dadaan si Ana sa gitna ng dalawang nag-uusap. Ano ang dapat niyang sabihin?

a)

Padaan.

b)

Makadaan nga.

c)

Makikiraan po.

7.

Alin sa mga pangungusap ang gumagamit ng magagalang na salita?

a)

Magandang umaga po, Bb. Cruz.

b)

Hoy! Umalis ka!

c)

Bakit ka nandito?

8.

Binigyan ka ng iyong tiya ng regalo dahil kaarawan mo. Ano ang dapat mong sabihin?

a)

Paalam na po.

b)

Maraming salamat po.

c)

Walang anuman po.

9.

Ano ang sagot kapag may nagpapasalamat sa iyo?

a)

Walang anuman po.

b)

Paalam na po..

c)

Kumusta po?

10.

Nakasakit ka ng ibang tao ngunit hindi mo ito sinasadya. Ano ang sasabihin mo?

a)

Salamat po.

b)

Paumanhin po.

c)

Paalam po.

11.

Alin sa mga sumusunod ang magagalang na salita?

a)

Po at opo.

b)

Alis!

c)

Iabot mo nga yan.

12.

Alin sa mga sumusunod ang magalang na pananalita?

a)

Huwag kang humarang sa daan.

b)

Mano po.

c)

Umalis ka diyan!

13.

Ito ang mga gumanap sa kwento.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

pangyayari

14.

Ano ang tawag sa pinangyarihan ng kwento?

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

panygyayari

15.

Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga naganap o nangyari sa kwento.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

pangyayari

16.

Doraemon, Spiderman, Cinderella


Anong elemento ng kwento ang tinutukoy dito?

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

pangyayari

17.

Namasyal sina Annie at Mika sa parke.


Anong elemento ng kwento ang nasalungguhitang salita?

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

pangyayari

18.

Tama o Mali


Hinabol si Jon at Ron ng isang oso. Umakyat si Ron sa isang puno. Nagpanggap naman na walang buhay si Jon.


Ito ay halimbawa ng pangyayari sa kwento. Tama o Mali?

a)

Tama

b)

Mali

c)

Ewan

19.

Tama o Mali

Ang tauhan ay ang lugar kung saan nangyari ang kwento.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Ewan

20.

Tama o Mali

May tatlong elemento ang kwento. Ito ay tauhan, tagpuan at pangyayari.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Hindi ko alam