NEW
Font size
WorksheetsAP 5 Q1W1 Kaugnayan ng Lokasyon sa Paghubog ng Kasaysayan
Total questions: 10
Worksheet time: 6mins
Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?
A. Silangang Asya
B. Hilagang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog Silangang Asya
Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?
A. 4°23’ at 21°25’ hilagang latitud at 116°00 at 127°00 silangang longhitud
B. 2°43’ at 25°31’ hilagang latitud at 161°00 at 172°12 silangang longhitud
C. 1°32’ at 15°21’ hilagang latitud at 131°00 at 151°10 silangang longhitud
D. 3°23’ at 20°29’ hilagang latitud at 121°14 at 148°25silangang longhitud
Bakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?
A. Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
B. Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.
C. Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.
D. Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng tubig o
dagat
Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?
A. Karagatang Indian
B. Karagatang Atlantiko
C. Karagatang Pasipiko
D. Karagatang Arktiko
Ang mga sumusunod ay mga bansang nakipagkalakalan sa bansa MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. India
B. Indonesia
C. Saudi Arabia
D. Tsina
Anong islang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan ang Pilipinas?
A. Kiribati
B. Micronesia
C. Moluccas
D. Palau
Mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila.
A. base militar
B. opisina
C. paaralan
D. palaruan
Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang iniwan sa Pilipinas?
A. edukasyon
B. ekonomiya
C. relihiyon
D. sandatahang lakas
Ang mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng kasaysayan MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa
B. napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutbo
C. naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na mga karatig bansa nito.
D. nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong lugar ng Pilipinas
Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?
A. para maging sikat ang isang bansa
B. para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
C. para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa
D. para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura,
ekonomiya, pamahalaan at relihiyon ng isang bansa.
