WorksheetsIUGNAY SA KASALUKUYAN
Total questions: 12
Worksheet time: 13mins
1. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag-iingat ay isasaalang-alang.
1. Palitan nang madalas ang tubig sa plorera. Linisin ang loob at labas ng bahay.
Maging malinis sa tuwina. Ano ang pangunahing ideya ng talata?
A. Maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang dengue.
B. Ang dengue ay isang nakahahawang sakit.
C. Patayin ang mga lamok sa bahay.
D. Palitan lagi ang tubig sa plorera.
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan. Takpan ang
bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing nang hindi makahawa ng iba.
Uminom ng maraming tubig at magpahinga. Ano ang kaisipan ng talata?
A. Uminom ng maraming tubig at magpahinga
B. Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon
C. Mga dapat gawin upang makaiwas sa disgrasya
D. Mga dapat gawin upang umunlad ang buhay sa panahon ng
pandemya
3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Maraming bitamina ang
nakukuha sa mga ito. Nakatutulong din ang mga ito upang mapanatiling
malusog ang katawan. Ano ang maaaring makuha sa pagkain ng mga prutas
at gulay?
A. bitamina
B. enerhiya
C. mineral
D. kalsiyum
4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-araw. Nakatutulong ito para sa
mabilis na pagtunaw ng ating kinain. Nasosolusyunan nito ang pagtigas ng dumi sa loob
ng katawan. Ilang baso ng tubig ang dapat inumin ng isang tao araw-araw?
A. isang gallon
B. walong baso
C. isang litro
D. walo o higit pang baso
5. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin. May mga kemikal
ito na hindi mabuti sa katawan. Ayon sa mga pahayag, bakit dapat iwasang kumain ng
mga junk food?
A. Mahal ang presyo ng mga ito.
B. Galing ito sa mga bansang mayayaman.
C. Sa malalaking groseri lamang ito nabibili.
D. May mga kemikal ito na nakasasama sa katawan
Tingnan at suriin ang mga larawan.
Tumutulong ka ba sa pangangalaga ng ating kapaligiran?
Gusto mo bang tumigil sa ganitong lugar? Bakit?
Bakit kaya naging marumi ang lugar na ito?
Ano ang dapat nating gawin sa lugar na ito?
Alin ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa kapaligiran?
Hanapin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangalawang pangungusap.
1. Maglinis sa tuwina.
(a) isaisip ang halaga ng kalusugan.
Hanapin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangalawang pangungusap.
2. Huwag nating hintayin sakit ay mapala.
Upang kalusugan na nais ay (a) .
Hanapin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangalawang pangungusap.
3. Tayo nang kumilos, nang guminhawa.
(a) ang buhay kapag malusog at maraming nagagawa.
Hanapin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangalawang pangungusap.
4. Pagtutulungan ang susi para guminhawa.
Tanging (a) upang umunlad ang ating buhay.
Hanapin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangalawang pangungusap.
5. Tayo nang maglinis ng ating bakuran.
(a) lote ay ating taniman.
Kumilos at Magkaisa
Maraming patapong bagay sa ating paligid tulad ng mga basyo ng bote at plastik na nakatambak sa mga basurahan at looban ng ilang kabahayan. Ang mga lumang diyaryo at maruruming damit ay nagkalat
din kung minsan. Para sa iba, ang mga ito ay basura lamang, patapon, at
wala nang silbi kaya naman ang ating kapaligiran ay punong-puno ng mga
kalat. Pinamumugaran tuloy ang mga ito ng mga daga at insekto.
Pinagmumulan din ang mga ito ng
pagbabara ng mga daluyan ng tubig at sanhi
ng pagbaha. Nakasasama rin ang ilan sa
mga ito. Nagiging sanhi ito ng pagdumi
at pagbaho ng hanging ating nalalanghap.
Huwag na nating hintayin ang salot na
idudulot ng mga basura. Panahon na para
tayo ay kumilos at magkaisa.
Mga tanong sa pag-unawa:
1. Ano-anong patapong bagay ang makikita sa ating paligid?
2. Bakit ito hinahayaan ng mga tao?
3. Ano ang mangyayari kung maraming basura sa ating paligid?
4. Sino ang hinihiling na kumilos at magkaisa?
5. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?
6. Basahin ang bahagi ng kuwento na tumutukoy sa pangunahing ideya?
7. Batay sa iyong karanasan, ano ang maaari nating gawin para mabawasan
ang ating basura?
