WorksheetsKarunungang-Bayan
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Anong uri ng karunungang-bayan ito?
"Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo."
Salawikain
Sawikain
Kasabihan
Bugtong
Ano ang sagot sa bugtong na ito:
"Kaisa-isang plato,
kita sa buong mundo!"
planeta
araw
bituin
buwan
Ano ang kahulugan ng nakasalungguhit sa pahayag na ito:
"Huwag kang sasama sa taong iyan sapagkat halang ang kaluluwa niyan!"
taksil
patay na
masamang tao
mapanganib
Anong uri ng karunungang-bayan ito?
"Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat."
Salawikain
Sawikain
Kasabihan
Bugtong
Ano ang sagot sa bugtong na ito:
"Walang sala ay ginapos,
tinapakan pagkatapos."
tsinelas
medyas
sapatos
lupa
Ano ang kahulugan ng nakasalungguhit sa pahayag na ito:
"Siya ay lumaking may gintong kutsara sa bibig."
amibisyoso/ambisyosa
mayaman
matakaw
maluho
Anong uri ng karunungang-bayan ito?
"Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan."
Salawikain
Sawikain
Kasabihan
Bugtong
Ano ang kahulugan ng sawikain na ito:
"nagtataingang-kawali"
may isinasabit na kawali sa tainga
nagsisinungaling
lumalaki ang tainga
nagbibingi-bingihan
Ano ang sagot sa bugtong na ito:
"Nang munti pa ay paruparo,
nang lumaki ay latigo."
sigarilyas
talong
sitaw
sinturon
Ano ang kahulugan ng salawikain na ito:
"Kapag may isinuksok, may madudukot."
Kapag ikaw ay nagtira o nagtabi, sa panahon ng kagipitan ikaw ay may magagamit.
Kapag may isinuksok ka sa bulsa mo, may madudukot ka.
Kapag kumain ka, mabubusog ka.
Kapag mabait ka, pagpapalain ka.
