NEW
Font size
WorksheetsGawain 7: Tayahin ang Iyong Pang-unawa
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
1. Ang ____ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.
a. isip
b. kilos-loob
c. emosyon
d. karunungan
2. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili
a. isip
b. kilos-loob
c. pagkatao
d. tao
3. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan
nito ang kaniyang nauunawaan.
c.
Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.
d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
4. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
a. isip
b. kilos-loob
c. pagkatao
d. damdamin
5. Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan?
a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
b. Kamukha ng tao ang Diyos.
c. Kapareho ng tao ang Diyos.
d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
6. pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakauunawa
a. kamalayan
b. instinct
c. panloob na pandama
d. memorya
7. kakayahang makaramdam sa isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran
a. kamalayan
b. instinct
c. panloob na pandama
d. memorya
8. kakayahang kilalanin at alaalahanin
ang nakalipas na pangyayari o karanasan
a. kamalayan
b. instinct
c. panloob na pandama
d. memorya
9. kakayahang lumikha ng larawan sa sa isip at palawakin ito
a. panlabas na pandama
b. kamalayan
c. instinct
d. imahinasyon
10. ito ang paningin, pandinig, pang-amoy, at panlasa
a. panlabas na pandama
b. kamalayan
c. instinct
d. imahinasyon
11. Ang memorya ay pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.
Tama
Mali
12. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.
Tama
Mali
13. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.
Tama
Mali
14. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.
Tama
Mali
15. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
Tama
Mali
