WorksheetsModyul 1 Physical Activity
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang tumbang preso ay halimbawa ng larong _________.
a. Fielding game
b. Invasion game
c. Lead-up game
d. Target game
2. Anong mga kagamitan ang kailangan sa paglalaro ng tumbang preso?
a. bola at tsinelas
b. tansan at barya
c. latang walang laman at tsinelas
d. panyo at pamaypay
3. Ang mga sumusunod ay mga kagandahang-asal na nalilinang sa paglalaro ng laro ng lahi MALIBAN sa isa.
a. pagiging madaya
b. pagiging patas
c. pakikiisa
d. sportsmanship
4. Alin sa mga sumusunod na skill at health-related fitness ang hindi nalilinang sa paglalaro
ng tumbang preso?
a. balanse
b. bilis
c. lakas ng braso
d. liksi
5. Alin sa mga sumusunod na lugar ang mainam paglaruan ng tumbang preso?
a. bakuran o lansangan
b. loob ng bahay
c. loob ng silid-aralan
d. mabato at madamong lugar
6. Isang uri ng laro kung saan ang manlalaro ay
sumusubok na ihagis, i-slide o i-swing ang pamato upang maabot o matamaan at madala o
makuha ang target sa isang itinalagang lugar.
a. Fielding game
b. Invasion game
c. Lead-up game
d. Target game
7. Ang mga larong kabilang sa target games ay maaaring isagawa ng ______ beses sa isang
linggo batay sa Philippine Physical Activity Pyramid
araw-araw
1
3 – 5
2
8. Kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong tikas at kapanatagan habang nakatayo sa isa o dalawang paa.
bilis
reaction Time
Liksi
Balanse
9. Kakayahan ng iba’t ibangparte ng katawan na kumilos nang sabaysabay na parang iisa nang walang kalituhan.
Balanse
koordinasyon
reacton time
power
10. Kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos sa pagsalo, pag-abot at pagtanggap ng paparating na bagay o sa mabilisang pag-iwas sa hindi inaasahang bagay o pangyaya.
Balanse
koordinasyon
reacton time
power
