NEW
Font size
WorksheetsUnang Maikling Pagsusulit sa Ekonomiks 9
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
1. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng mga tao ang kanilang pangangailangan at kagustuhan kahit limitado lamang ang pinagkukunang-yaman?
a. Antropolohiya
b. Ekonomiks
c. Heograpiya
d. Sosyolohiya
2. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin ang kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at kaunti lang ang pinagkukunang-yaman
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang pinagkukunang-yaman
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
Salitang Griyego na pinagmulan ng salitang Ekonomiks
Oikosnomia
Eko
Koinomia
Oikonomia
Ito ay kahulugan ng salitang griyego na "Oikos"
Pera
Bahay
Pamamahala
Konsyumer
Kahulugan ng salitang griyego na "Nomos"
Bahay
Pera
Pamamahala
Konsyumer
Ano ang tamang katawagan sa indibidwal na bumibili at kumokonsumo ng produkto?
Konsyumer
Inhinyero
Guro
Tagapamili
Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng KDrama ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-of
Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?
a. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap.
b. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya
c. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na magagamit mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap.
d. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon ng mga bagay-bagay sa araw-araw.
Masaya si Lydia sa kanyang napiling baonan dahil maliban sa ito ay maganda at mura, eco-friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
Hindi kasapatan ng pinagkukunang yaman upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Kakulangan
Kakapusan
Shortage
Surplus
Konsepto sa Ekonomiks na tumutukoy sa pagkawala ng mga potensyal na pakinabang na maari nating makuha mula sa isang pagdedesisyon na ating isinagawa.
Trade-off
Marginal thinking
Incentives
Opportunity Cost
Isang konsepto sa Ekonomiks na tumutukoy sa paraan ng pagpili o pagsasakripisyo ng isang tao sa isang bagay bilang kapalit ng isa pang bagay. Sa pam
Marginal Thinking
Trade-off
Incentives
Opportunity Cost
Pagbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.
Marginal Thinking
Incentives
Opportunity Cost
Trade-off
