WorksheetsESP 3
Total questions: 5
Worksheet time: 25secs
1. Mahalaga para sa isang bata ang magkaroon ng _________ sa sarili upang magampanan nang maayos ang sariling hilig at talento.
a. talino
b. tiwala
c. tikas ng tindig
d. tibay ng loob
2. Ang pagtitiwala sa sarili ay isang uri ng________.
a. inspirasyon
b. ugali ng tao
c. tikas ng tindig
d. paniniwala ng tao
3. Ikaw ang napiling lalahok sa paligsahan sa tula ngunit isa kang mahiyaing bata dahil sa buong akala mo na ikaw ay walang kakayahang magsalita sa harap ng maraming tao. Ano ang gagawin mo?
a. Hihinto na lang ako sa pag-aaral.
b. Iiyak ako para maawa sa akin ang aking guro
c. Ipapasa ko ito sa aking kaklase na mahusay sa pagharap ng tao.
d. Tatanggapin ko, mag-eensayo ako araw-araw, at magiging positibo.
4. Magaling kang kumanta. Ikaw ay nanalo na sa mga patimpalak ng dalawang beses, pero sa pagkakataong ito bigla kang pumiyok habang kumakanta. Ano ang maaari mong gawin?
a. Iiyak ako ng malakas.
b. Titigil ako sa pag-awit.
c. Tatakbo ako papuntang likuran ng entablo.
d. Ipagpapatuloy ko ang pag-awit at balewalain ang isang munting pagkakamali.
5. Matibay ang iyong paniniwala sa iyong sarili at sa angking kakayahan pero iba ang pagkakaintindi nito ng iyong mga kaklase dahil ang tingin nila sa iyo ay mayabang kaya’t madalas ka nilang tinutukso. Paano mo ito mapapatunayan sa kanila na hindi ka ganoong klaseng bata?
a. Hindi ko na sila papansinin.
b. Hindi ko na sila kakausapin.
c. Aawayin ko sila para tigilan na nila ako.
d. Tatahimik na lang at pananatilihing mabuti ang pakikitungo sa kanila.
