WorksheetsUnang Maikling Pagsusulit sa Filipino 5
Total questions: 25
Worksheet time: 20mins
Ang mga mag-aaral ay nagbunyi dahil lahat sila ay nakapasa sa pagsusulit.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit?
nagdiwang
naiyak
nagsigawan
Si Princess ay may kaaya-ayang mukha.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit?
malungkot
pangit
maganda
Naghimutok sa galit ang mga taong kanina pa nakakulong sa madilim na silid.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit?
walang pakialam
sumabog
natuwa
Kailangan nating kumain ng balanseng pagkain upang tayo ay maging malakas.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit?
sobra
proporsiyon
pagpapagana
Ang pagdedebate ng mga bata ay ang naging dahilan ng kanilang away.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit?
pagtatalo
paglalaro
pagtatakbo
Bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari.
Pandiwa
Pangngalan
Pang-uri
Sana mawakas na ang KAGULUHAN SA Kabul, Afghanistan.
Anong uri ng pangngalan ayon sa tungkulin ang salitang nakasulat sa malaking titik.
Tahas
Lansakan
Basal
Nakahanda na ang mga BATALYON ng mga sundalong dadalhin sa Mindanao.
Anong uri ng pangngalan ayon sa tungkulin ang salitang nakasulat sa malaking titik.
Tahas
Lansakan
Basal
Manatili ka lamang nakaupo sa iyong UPUAN.
Anong uri ng pangngalan ayon sa tungkulin ang salitang nakasulat sa malaking titik.
Tahas
Lansakan
Basal
Ano ang katumbas na pangngalang pantangi ng pangngalang pambalanang sapatos.
Pasko
G. Santos
Nike
Samsung
Ano ang katumbas na pangngalang pambalana ng pangngalang pantanging Ford.
pagdiriwang
kotse
paaralan
kasangkapan
Pumunta kami sa parke na tinatawag na Luneta Park.
Ano ang pangngalang pambalana sa loob ng pangungusap?
pumunta
kami
parke
Luneta Park
Sa paggawa ng balita dapat mayroon kang kinakampihan o pinapanigan.
Tama
Mali
Isa sa katangian ng balita ay ang KASARIWAAN na kung saan ang mga paksa ay napapanahon at nangyayari sa kasalukuyan.
Tama
Mali
Ang BALITA ay isang pangyayari o ulat na napapanahon na may layuning magbigay ng mga impormasyon, umakit, mag-ulat o umaliw sa madla.
Tama
Mali
Ang impormasyon na dapat mong ilagay sa balita ay hindi nauunawaan at hindi maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Tama
Mali
Ang ganap na kawastuhan ay katangian ng balita na kung saan ang balita ay hindi totoong nangyari.
Tama
Mali
Isulat ang balita ayon sa tunay na nangyari.
Tama
Mali
Uri ng balita tungkol sa mga nangyayari sa loob ng paaralan.
Balitang Pampaaralan
Balitang Panlibangan
Balitang Lokal
Balitang Pang-agham
Uri ng balita tungkol sa siyensiya at teknolohiya.
Balitang Pampaaralan
Balitang Panlibangan
Balitang Lokal
Balitang Pang-agham
Balitang nagaganap sa loob ng bansa.
Balitang Pampaaralan
Balitang Panlibangan
Balitang Nasyunal/Lokal
Balitang Pang-agham
Balita tungkol sa mga uso, artista, laro o pasyalan.
Balitang Pampaaralan
Balitang Panlibangan
Balitang Nasyunal/Lokal
Balitang Pang-agham
Balita tungkol sa mga iba't-ibang isports.
Balitang Internasyunal o Dayuhan
Balitang Pang-agham
Balitang Nasyunal/Lokal
Balitang Pampalakasan
Balita tungkol sa mga nangyayari sa labas ng bansa.
Balitang Internasyunal o Dayuhan
Balitang Pang-agham
Balitang Nasyunal/Lokal
Balitang Pampalakasan
Nasa mga pagpipilian ang katangian ng balita maliban sa ISA. Ano ito?
mambabasa
Ganap na Kawastuhan
Kalinawan
Kasariwaan
