NEW
Font size
WorksheetsEdukasyon sa Pagpapakatao AS#2
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Ito ang hilig gawin ni Ana. Ano ang gusto niyang gawin?
kumanta
magbasa
sumayaw
Ang magkapatid na sina John at Tintin ay masayang kumakanta sa isang salo-salo ng kanilang pamilya kaya sila ay pinupuri at pinalakpakan pa. Bakit kaya ginagawa nila ito?
Upang palakpakan sila.
Upang ipakita ang kanilang kakayahan.
Upang ipagyabang ang kanilang kakayahan
Paano ipinakita nina John at Tintin ang kanilang kakayahan?
Nahiya at nagtago
Hindi kumanta at umiyak
Masayang kumanta at nagtiwala sa sarili
May kaklase kang hindi marunong magbasa. Ano ang magagawa mong tulong upang matuto siya?
Pagtawanan siya.
Turuan siya habang hindi pa nagkaklase.
Pabayaan siyang turuan ng kanyang magulang.
Hindi mo masyadong naintindihan ang aralin sa Matematika. Ano ang dapat mong gawin pagdating sa bahay?
Maglaro
Hayaang hindi alam ang aralin.
Mag-aral at magpaturo sa nanay.
Pareho kayong magaling sa pagtula ng iyong kaibigan ngunit pinili ng iyong guro na isali sa paligsahan ang iyong kaibigan. Magagalit ka ba sa iyong guro?
Opo dahil mas magaling ako sa kanya.
Siguro dahil pareho naman kaming magaling.
Hindi po dahil ang aking guro ang nakakaalam kung sino ang dapat na isali sa paligsahan.
Magaling sa inyong klase si Joel. Ano ang dapat mong gawin upang maging magaling ka rin sa klase.
Mag-aral nang mabuti.
Maglaro sa "computer" maghapon.
Mangopya kay Joel kapag may pagsusulit.
Gusto mong sumali sa sayaw ngunit hinadi ka marunong. Si Marie na kalaro mo ay magaling sumayaw kaya lagi siyang sumasali sa mga palatuntunan. Ano ang dapat mong gawin upang gumaling ka sa pagsasayaw?
Magpapaturo ako kay Marie na sumayaw.
Iiyak na lang ako dahil hindi ako marunong sumayaw.
Magagalit ako kay Marie dahil magaling siyang sumayaw.
Naglalaro kayo sa paaralan ng pabilisan sa pagtakbo ngunit nadapa ka. Ano ang dapat mong gawin?
Iiyak na lang ako.
Tatayo ako nang mabilis.
Hindi na ako sasali.
Oras ng klase. Nakasagot ka sa tanong ng iyong guro. Ano ang dapat mong maramdaman.
Masaya
Malungkot
Matatakot
