wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP4- REVIEW QUIZ

Total questions: 25

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa isang lugar o teritoryo na mayroong sariling pamahalaan?

a)

bansa

b)

kontinente

c)

lungsod

d)

bayan

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bansa?

a)

Pilipinas

b)

Palawan

c)

China

d)

Indonesia

3.

Alin ang itinuturing na pinakamahalagang katangian at yaman ng isang bansa?

a)

pamahalaan

b)

mamamayan

c)

teritoryo

d)

pagkakakilanlan

4.

Ito ang sistemang pampolitika na nangangasiwa at gumagabay sa bansa.

a)

pamahalaan

b)

soberanya

c)

teritoryo

d)

mamamayan

5.

Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Pilipinas?

a)

Pilipino

b)

Katutubo

c)

Mangyan

d)

Negro

6.

Anong uri ng pamahalaang umiiral sa Pilipinas?

a)

Pahalaang Diktatoryal

b)

Pamahalaang Republika

c)

Pamahalaang Monarkiya

d)

Pamahalaang Aristokrasya

7.

Alin ang hindi elemento ng estado?

a)

mamamayan

b)

teritoryo

c)

yamang-likas

d)

soberanya

8.

Ito ay modelo o kawangis ng ating mundo na kakikitaan ng lokasyon, hugis, at laki ng mga pangunahing katubigan at kalupaan.

a)

globo

b)

mundo

c)

mapa

d)

pananda

9.

Ito ay isang patag o lapat na representasyon ng kabuoan o bahagi ng isang lugar.


a)

pananda

b)

mapa

c)

simbolo

d)

compass

10.

Ito ay isang simbolo sa mapa na nagpapakita ng mga direksiyon

a)

pamagat

b)

legend

c)

compass rose

d)

iskala

11.

Dito nakatala ang mga simbolo o palatandaan na kumakatawan sa iba’t ibang bagay sa mapa.

a)

pamagat

b)

hangganan

c)

oryentasyon

d)

legend

12.

Ito ay tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa mundo.

a)

Relatibong Lokasyon

b)

Lokasyong Bisinal

c)

Lokasyong Insular

d)

Tiyak na Lokasyon

13.

Alin ng bansa ang nasa kanlurang bahagi ng Pilipinas ang makikita sa mapa?

a)

Taiwan

b)

Vietnam

c)

Indonesia

d)

Papua New Guinea

14.

Ito ay tawag sa pagtukoy ng lokasyon gamit ang mga nakapalibot na kalupaan o katubigan ng isang pook.

a)

Relatibong Lokasyon

b)

Lokasyong Bisinal

c)

Lokasyong Insular

d)

Tiyak na Lokasyon

15.

Aling anyong-tubig ang nasa silangang-bahagi ng Pilipinas ang makikita sa mapa?

a)

Celebes Sea

b)

Pacific Ocean

c)

South China Sea

d)

Philippine Sea

16.

Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng papawirin o atmospera sa isang lugar sa loob ng mahabang panahon.

a)

panahon

b)

klima

c)

temperatura

d)

halumigmig

17.

Ito ang klimang nararanasan ng mga lugar na matatagpuan sa hilagang hemisphere at timog hemisphere at nakararanas ng apat na uri ng panahon.

a)

Sonang Tropikal

b)

Sonang Katamtaman

c)

Sonang Polar

d)

Torrid Zone

18.

Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng papawirin sa isang lugar sa pang-araw-araw o sa loob ng maikling panahon.

a)

panahon

b)

klima

c)

temperatura

d)

halumigmig

19.

Ano ang tawag sa klimang nararanasan sa Pilipinas?

a)

Klimang Tropikal

b)

Klimang Tag-ulan

c)

Klimang Polar

d)

Klimang Katamataman

20.

Nakararanas ng napakalamig na temperatura at karaniwang nababalutan ng yelo ang mga lugar na matatagpuan sa sonang ito.

a)

Sonang Tropikal

b)

Sonang Katamtaman

c)

Sonang Polar

d)

Torrid Zone

21.

Ito ay tumutukoy sa dami ng singaw ng tubig sa hangin sa isang lugar.

a)

halumigmig

b)

temperatura

c)

elebasyon

d)

ulan

22.

Ito ang hanging umiihip mula Hunyo hanggang Oktubre sa Pilipinas na nagdadala ng malalakas na pag-ulan.

a)

Trade Winds

b)

Hanging Habagat

c)

Hanging Amihan

d)

Northeast Monsoon

23.

Ito ay isang anyong-tubig na nagmumula sa mataas na lugar at bumabagsak paibaba patungo sa ilog o lawa.


a)

lawa

b)

ilog

c)

talon

d)

bukal

24.

Ito ay isang uri ng kalamidad na nararanasan ng Pilipinas na may dalang malakas na hangin at matinding pagbuhos ng ulan.

a)

bagyo

b)

storm surge

c)

lindol

d)

tsunami

25.

Ito ang mapang ginagamit upang makita ang mga pook na sensitibo o maaaring makaranas ng panganib dulot ng mga kalamidad.

a)

hazard map

b)

physical map

c)

political map

d)

economic map