NEW
Font size
WorksheetsQ1- Wk1 - L1: Kawilihan sa Pagsusuri ng Katotohanan
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na lindol sa inyong lugar. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibalita kaagad ang narinig.
B. Suriin muna kung totoo ang balita.
C. Maghanda kaagad sa paparating na lindol.
D. Aalis kaagad sa inyong lugar.
Sa pagbabalita pawang ______ lamang ang dapat manaig upang magkaroon nang maayos na pamayanan.
A. katotohanan
B. kasinungalingan
C. katapangan
D. karangyaan
Ano ang dapat gawin kung makarinig ng balita sa telebisyon man o pahayagan?
A. Maniwala kaagad.
B. Isangguni sa kainauukulan ang narinig.
C. Ipagkalat kaagad ang balita.
D. Balewalain ang balita.
Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?
A. Ang alitan ng pangulo at mga kinatawan ng Senado.
B. Ang pag-aagawan ng teritoryo.
C. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Ang lindol na naganap sa Batangas.
Narinig mo sa radyo ang balita na mayroong asong ulol na nangangagat ng mga bata na nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa rabies. Paano mo ito ibabahagi?
A. Ipaalam ang balita sa punong barangay.
B. Balewalain ang narinig na balita.
C. Hayaan lang ang balita.
D. Hayaan ang iba na makaalam nito.
Ang pagbabasa ng aklat at magasin na nakadaragdag sa iyong kaalaman at kakayahan ay nagpapakita ng mapanuring pag-iisip.
Oo
Hindi
Ang pagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin ay nagpapakita ng mapanuring pag-iisip.
Oo
Hindi
Ang paniniwala kaagad sa patalastas na napanood o narinig ay nagpapakita ng mapanuring pag-iisip.
Oo
Hindi
Ang pamimili ang mga pelikula at programang hatid ay kaalaman at aral sa buhay ay nagpapakita ng mapanuring pag-iisip.
Oo
Hindi
Ang paghahambing ang balita o mensaheng nabasa sa facebook at sa pahayagan ay nagpapakita ng mapanuring pag-iisip.
Oo
Hindi
