NEW
Font size
WorksheetsESP 2 First Quarter Test #1
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
1. Si Isko ay mag-aaral sa Ikalawang Baitang. Mahilig siyang maligo sa dagat at tinuturuan siya ng kanyang ama na lumangoy. Siya ay mahusay sa
A. Pagsayaw
B. Pagguhit
C. Paglangoy
2. Mahusay ka sa pag-awit. Nais mong ipakita ang iyong kakayahan sa iyong mga kamag-aral. Ano ang dapat mong gawin?
A. Aawit ako kung kailan ko gusto.
B. Aawit ako kung sasabihan ako ng aking guro.
C. Aawit ako kung pipilitin ako ng aking kamag-aral.
3. Nalaman mong may paligsahan sa pagguhit sa paaralan. May ganito kang kakayahan. dapat ka bang sumali?
A. Oo, sapagkat magpapaturo ako sa aking guro.
B. Hindi, dahil nahihiya ako.
C. Hindi, dahil wala akong gamit sa pagguhit.
4. Marunong kang sumayaw. Gusto mong ipakita sa mga kamag-aral mo. Alin ang dapat mong gawin?
A. Ipagyayabang ko ang aking galing sa pagsayaw.
B. Hindi na lang ako sasayaw.
C. Magsasanay ako at ipakikita ko ang galing ko sa pagsayaw.
5. Ano ang dapat mong gawin kung sinabihan ka ng iyong guro na maghanda ng isang tula para sa Buwan ng Nutrisyon?
A. Hindi ako papasok sa araw na iyon.
B. Maghahanda ako ng isang tula.
C. Iba na lang ang pasasalihin ko.
6. Hilig mo ang pagtugtog ng gitara. Paano mo pa ito mapapaunlad?
A. Magsasanay ako palagi.
B. Hihintayin ko na lang na makasali ako sa paligsahan bago ako magsanay.
C. Itatago ko na lang ang aking gitara.
7. Mabilis kang tumakbo. May paligsahan sa takbuhan sa inyong paaralan. Alin ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ko ipapaalam na mabilis akong tumakbo.
B. Kakausapin ko ang aking guro at hihilinging sanayin pa ako.
C. Sasali na lang akong hindi alam ng guro ko at ipagyayabang ko ito.
8. Si Liza at Nena ay parehong magaling sumayaw. Kapag may paligsahan ay laging sumasali si Liza samantalang si Nena ay nahihiyang ipakita ang kanyang kakayahan. Sino sa kanilang dalawa ang tutularan mo?
A. Liza
B. Nena
C. Wala sa kanilang dalawa.
9. Sumali sa paligsahan ng pagtakbo si Bong. Madalas kinatatamaran na niya ang mag-ensayo dahil mabilis na siyang tumakbo. Tama ba ang kanyang ginagawa?
A. Opo, kasi mabilis na siyang tumakbo.
B. Hindi po, kailangan pa rin niyang mag-ensayo.
C. Hindi ko po alam.
10. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tamang pagsasakilos ng mga natatanging kakayahan maliban sa isa.
A. Nagkakantahan kami sa Videoke kapag walang pasok ang Nanay at Tatay ko.
B. Palagi akong nag-eensayo sa pagtugtog ng gitara kasama ng kapatid ko.
C. Hindi ko ipinapasa sa guro ang mga art activity na natapos ko na.
