NEW
Font size
WorksheetsWeek 2: Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Ang namayaning kaisipan na niyakap ng mga mamamayan sa loob at labas ng Europe. Tumutukoy ito sa idea ng kalayaan na ipinalaganap ng mga indibidwal na tinatawag na mga liberal .
Katolisismo
Liberalismo
Kristiyanismo
Sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan o Seven Years’ War na kinasangkutan ng Spain noong 1763, nagpatupad ang monarkiyang Bourbon sa ilalim ng kanyang pamumuno na naglayong patatagin ang kaniyang kahariang Espanyol.
Haring Juan IV
Haring Marcos VI
Haring Carlos III
Ang mga pilosopiya nila ang naging dahilan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Pilipinas.
Voltaire, Adam Smith, at Immanuel Kant
Jose P. Rizal, at Andres Bonifacio
Jose Vargas at Jose Laurel
Lalo pang lumakas ang pandaigdigang komersiyo nang napabilis ang biyahe ng mga barko mula sa Maynila patungo sa Europe at Africa nang binuksan ito noong 1869. Umiksi ang biyahe mula Pilipinas patungong Spain mula tatlong buwan tungong isang buwan.
Super Highway
Daanang kalakalan
Suez Canal
Nakarating ang kaisipang liberalismo sa Pilipinas kasabay ng pagdating ng mga produkto mula sa pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.
Tama
Mali
Sa panahon ng kanilang pananakop naging masidhi ang naging sitwasyon ng mga Pilipino.
Katipunero
Propagandista
Espanyol
Sila ang naging inspirasyon ng mga Pilipino noon na ipaglaban ang sariling bansa. Lumaban sila sa mga Espanyol sa pamamagitan ng panitikan.
Katipunero
Propagandista
Ordinaryong Pilipino
Ang pagkakapantay-pantay at pagtaguyod ng karapatan ng isang tao ay nakapaloob sa kaisipang liberalismo.
Tama
Mali
Sa halos tatlongdaang taong pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagtagumpay silang mapigilan ang ano mang tangka ng pag-aalsa ng mga Pilipino.
Mali
Tama
Sila ang mga taong naniniwala sa idea ng pagkapantay-pantay at pagsulong ng mga kalayaang sibil at karapatang demokratiko tulad ng kalayaan sa pamamahayag.
Propagandista
Katipunero
Mga Katutubong Pilipino
