NEW
Font size
WorksheetsPanghalip Panao
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ang panghalip panao ay ginagamit na pamalit sa ngalan ng _________?
tao
bagay
hayop
lugar
pangyayari
Ano ang panauhan ng nakasalungguhit na panghalip?
Nasira ni Riguel ang lapis ng kanyang kuya.
una
ikalawa
ikatlo
Ano ang panauhan ng nakasalungguhit na panghalip?
Ako ay labis na natuwa nang makita ko kayong magkasama.
una
ikalawa
ikatlo
Ano ang kailanan ng nakasalungguhit na panghalip?
Ang malaking bahay sa dulo ay sa kanila.
isahan
maramihan
Ano ang kailanan ng nakasalungguhit na panghalip?
Dapat tayong magmahalan dahil tayo ay isang pamilya.
isahan
maramihan
Ano ang kailanan ng nakasalungguhit na panghalip?
Kami ay mamamasyal sa Tanay, Rizal sa darating na Sabado.
una
ikalawa
ikatlo
Ano ang wastong panghalip panaong bubuo sa pangungusap?
Maagang nakauwi si Janna. Tinapos niya kasi nang mabilis ang ___________ trabaho.
aking
niyong
kanyang
Ano ang wastong panghalip panaong bubuo sa pangungusap?
Ako at si Gil ay naglinis ng bahay. _______ kasi ang naiwan sa bahay.
Kami
Kayo
Sila
Ano ang wastong panghalip panaong bubuo sa pangungusap?
Sama-samang dumalo sa binyag ang mag-anak na Reyes. Tuwang-tuwa _______ nang makita ang batang bininyagan.
kami
kayo
sila
Ano ang wastong panghalip panaong bubuo sa pangungusap?
Ang galing mong gumuhit, Jeffrey! Tiyak na _______ na naman ang mananalo sa taong ito.
ako
ikaw
sila
Ano ang wastong panghalip panaong bubuo sa pangungusap?
Hannah, may tao sa labas. _______ ang iyong bisita?
Atin
Iyo
Siya
Ano ang wastong panghalip panaong bubuo sa pangungusap?
Sina Diana, Elena, at Joana ang magpapaliwanag ng ating proyekto. Maipaliwanag sana _______ ito nang maayos.
natin
ninyo
nila
Ano ang wastong panghalip panaong bubuo sa pangungusap?
Ang pangalan ko ay Kervin de Jesus. _______ ay sampung taong gulang.
Ako
Ikaw
Tayo
Ano ang wastong panghalip panaong bubuo sa pangungusap?
Ako ang may-ari ng lapis na iyan. Sa _______ din ang papel na iyan.
akin
kanya
kanila
Ano ang wastong panghalip panaong bubuo sa pangungusap?
Nagkasakit ka raw, Vlad? Kumusta na ngayon ang pakiramdam _______?
ko
mo
ninyo
