wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paunang Pagtataya sa ESP 8

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang ating lipunan ay binubuo ng iba't ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?

a)

Paaralan

b)

Pamilya

c)

Pamahalaan

d)

Barangay

2.

Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan?

a)

Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba't ibang institusyon ng lipunan.

b)

Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.

c)

Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.

d)

Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.

3.

Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?

a)

Isang ama na naghahanap buhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

b)

Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang maghahanap buhay para sa pamilya.

c)

Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa iskwela.

d)

Nais ng magulang na may mag-aruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya't inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.

4.

"Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa." Ano ang ibig sabihin nito?

a)

Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.

b)

Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.

c)

Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.

d)

Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.

5.

Hindi nakaliligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin at magsimba tuwing Linggo nang magkakasama. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat tularan?

a)

Buo at matatag

b)

May disiplina ang bawat isa

c)

Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos

d)

Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman

6.

Ang iyong pamilya ang pinakamalapit mong kapwa.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Hindi misyon ng mga magulang na bigyan ng edukasyon ang mga anak.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Bawat miyembro ng pamilya ay mayroong kontribusyon sa sariling pamilya.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Hindi kabilang sa responsibilidad ng pamilya ang panlipunan at pampolitikal na mga gampanin.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Isang malaking gampanin ng pamilya ang paghubog ng kanilang pananampalataya.

a)

TAMA

b)

MALI