wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao 5-Q1-Week 1-Pagtataya

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Napanood mo si Jessica Soho sa KMJS na tumatalakay sa mga anting-anting na di umano’y

pampaswerte. Ang iyong Lolo Ronaldo ay naniniwala dito. Paano mo tatanggapin ang

napakinggang impormasyon?

a)

A. Tatanggapin at sasang-ayon sa impormasyon.

b)

B. Titiyaking malalaman ito ng mga kaibigan at kakilala.

c)

C. Susuriin at pag-isipang mabuti kung may katotohanan ito.

d)

D. Hindi magiging interesado sa palabas.

2.

Nalaman mong magkakaroon ng libreng pagbabakuna kontra tigdas at hindi ka pa

nababakunahan nito.

a)

A. Ipagpapaliban ang bakuna.

b)

B. Matatakot magpabakuna dahil sa ineksyon.

c)

C. Sasabihin sa magulang na pabakunahan ka.

d)

D. Hindi ito paniniwalaan dahil wala ng libre sa panahon ngayon.

3.

Nabasa mo sa diyaryo ang mga nagkalat na pekeng produkto galing Korea na binebenta sa

murang halaga. Ang kaibigan mo ay inaalok ka na bumili ng mga ito dahil ito ay uso.

a)

A. Bibili ka dahil tiwala ka sa iyong kaibigan.

b)

B. Susubukang bumili dahil mura lamang ito.

c)

C. Bibili ngunit ipagagamit muna sa iba upang makasigurong ligtas gamitin.

d)

D.Pagsasabihan ang kaibigan na huwag magbenta ng pekeng produkto.

4.

Lumabas ang babalang Rated SPG sa palabas na panunuorin ninyo. Hindi ito akma sa mga bata.

a)

A. Ipagpapatuloy ang panunood.

b)

B. Hihinaan ang volume ng telebisyon.

c)

Ipagsasawalang bahala ang babala.

d)

D. Magpapagabay sa magulang habang nanunuod.

5.

Ano ang pinakamainam na gawin sa mga balitang nababasa at napapanood?

a)

A. Suriin itong mabuti

b)

B. Ipagwalang bahala ito

c)

C. Agad itong paniwalaan

d)

D. Ipamalita ito sa mga kakilala.

6.

Nabasa ni Shirley sa internet na nagdudulot ng sakit ang palagiang pag-inom ng milk tea dahil may taglay itong mataas na lebel ng asukal at kemikal. Ano ang maaari niyang gawin sa impormasyong kanyang nabasa?

a)

A. Iinom pa rin ng milk tea kasi ito ay masarap

b)

B. Ipagsawalang bahala ito dahil hindi naman ito mahalaga.

c)

C. Sasarilinin na lamang ang impormasyong nabasa.

d)

D. Hikayatin ang mga kakilala na uminom ng natural na gatas, at fruit juices kaysa sa milk tea.

7.

Bakit mahalagang manuod ng balita?

a)

A. Upang may pampalipas oras.

b)

B. Upang makasagap ng chismis na maaring pagkwentuhan.

c)

C. Upang malaman ang mga napapanahong issue na gagabay sa iyo.

d)

D. Upang hindi mahuli sa usapan ng mga kaibigang nanunuod ng balita.

8.

Alin ang tamang paraan ng pagtuklas ng katotohanan sa mga nababasa at napapanood mo?

a)

A. Ipakwento sa iba ang gustong malaman.

b)

B. Pakinggan mabuti ang mga detalye ng mga pangyayari.

c)

C. Punitin ang pahina ng aklat na kukunan ng impormasyon

d)

D. Makinig sa mga putul-putol na balita at pagkatapos ay buuin ito.

9.

Nakita mo ang isang komersyal na nakalarawan ang isang sikat na artista na may hawak na bagong uri ng shampoo. Nagpapadulas at nagpapakintab daw ito ng buhok. Mayroon kang ginagamit na shampoo mas hiyang sa iyong buhok.

a)

A. Hihikayatin ang nanay na bumili ng bagong shampoo.

b)

B. Hindi papansinin ang anunsyo kasi may ginagamit ng shampoo

c)

C. Ipamimigay ang shampoo na ginamit upang mabili ang bagong shampoo.

d)

D. Pabibili sa iyong nanay ng shampoo na ito at magdadabog kapag hindi ibinili.

10.

. Kasama mo ang iyong ate sa pagbili ng sabong pampaligo. Hinanahanap mo ang sabon na nakita ninyo sa isang anunsyo na ginagamit ng mga doktor at ospital. Payo ng ate mo ay basahin ang label upang alamin kung aling sabon ang may mabuting sangkap para sa iyong balat.

a)

A. Susundin ang ate at babasahin ang label bago pumili.

b)

B. Makikipag-away sa ate upang mabili ang gustong sabon.

c)

C. Pipili ng pinakamahal na presyo. Siguradong magandang uri ito.

d)

D. Hindi papansinin ang payo ng ate at bibilhin ang sabong nakita sa komersyal.

11.

Nais mong di gaanong tumaba. Kung kayat nagdesisyon ka na huwag kumain ng almusal. Gagayahin mo ang kaibigan mong nagpapapayat. Tama ba ang magiging desisyon mo?

a)

A. Oo, dahil epektibong paraan ito nang pagpapayat.

b)

B. Oo, kailangan ang pagkain nang dalawang beses lamang sa isang araw.

c)

C. Mali, kung gusto mong pumayat isang beses ka na lamang kumain.

d)

D. Mali, dahil hindi ka dapat lumaktaw ng pagkain lalo na ang almusal.

12.

Pinipili nina Mang Ambo at Aling Rosa ang programang panonoorin ng kanilang mga anak lalo’t kabataang baae pa naman ang mga ito. Ano kaya ang kanilang dahilan?

a)

A. Upang mapanood ang magagandang palabas lamang.

b)

B. Upang matutuhan at maging magaling sa pagsasalita ng Ingles

c)

C. Upang mapanood ang mga programang may matututunan at mapupulot na aral.

d)

D. Upang mas marami silang mapanood na mag-asawa sapagkat ubod ng gulo ang mga ito sa panonood.

13.

Napanood mo sa YouTube channel ang masamang epekto ng pagsusunog ng styrofoam.Lubha itong mapanganib sa hangin at makakasira ng ozone layer. Isang araw, nakita mo ang isang binatilyong sinusunog ang mga ginamit na styrofoam sa isang handaan. Ano ang mabuti mong gagawin?

a)

A. Hihingin ko na lamang ang mga styrofoam.

b)

B. Sasabihin ko sa binatilyo na bilisan na lang niya sa pagsusunog.

c)

C. Tatawag ako ng bumbero upang patayin ang apoy.

d)

D. Babalaan ko siya na makakasama sa hangin ang kanyang ginagawa at maari ko siyang isumbong sa barangay

14.

Kailangan mo ang isang bagong t-shirt para maisuot sa iyong kaarawan.Ano ang isasaalang alang mo sa pagpili?

a)

A. Pipili ka ng t-shirt na bagay sa iyo ang kulay at maginhawang isuot.

b)

B. Pipiliin mong bilhin ang mamahalin na t-shirt dahil kaarawan mo naman.

c)

C. Pipiliin mong bilhin ang t-shirt na tulad ng isinusuot ng paborito mong artista.

d)

D. Pipili ka ng t-shirt na nabasa mo sa anunsyo na gawa sa ibang bansa dahil ito ay sikat.

15.

Nakikinig ka sa radio habnag nagbibihis patungo sa paaralan. Narinig mo sa balita na may malaking baha sa isang bayan sa Leyte at marami ang nawalan ng ari-arian.

a)

A. Hindi papansinin ang balita

b)

B. Matutuwa dahil hindi binaha ang inyong lugar.

c)

C. Ibabagagi ang narinig sa guro at kaklase upang makalikom ng donasyon.

d)

D. Ililipat ang sa ibang istasyon ang pinanonood.

16.

Ang iba’t ibang kagamitan sa pakikipagtalastasan ay nakatulong nang mabuti sa mga mamamayan sa buong mundo

a)

Totoo

b)

Hindi totoo

17.

Ang telebisyon, telepono. Cell phone ay halimbawa ng mga kagamitan na maaring makakuha ng impormasyon.

a)

Totoo

b)

Hindi totoo

18.

Ang mga bata ay kailangan lamang na maibigan ang naririnig o nakikita sa patalastas sa radyo, telebisyon o bilbord at hindi na mahalaga ang tamang pagsusuri rito.

a)

Totoo

b)

Hindi totoo

19.

Sa pagsusuri ng impormasyon, kailangang maging matalas at mabilis sa pagkilala kung mali o tama ang mensahe nito.

a)

Totoo

b)

Hindi totoo

20.

Upang maging makatotohanan at matagumpay ang pag-eendorso ng isang produkto, kailangang isang sikat na artista ang gagawa nito.

a)

Totoo

b)

Hindi Totoo