NEW
Font size
WorksheetsPangwakas na Pagsusulit Q1 M1 Week 1-2
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata kinakailangan nating linangin ang
Kakayahan
Talento
Kaalaman
Lahat ng nabanggit
Ito ay tumutukoy sa yugto ng pagbabago na nagaganap sa mga tinedyer
Pisikal na pagbabago
Sikolohikal na pagbabago
Pagdadalaga at pagbibinata
Moral at ispiritwal
Ito ay pagpapakita ng kabutihan at positibong pag-uugali sa kapwa
Kabaitan
Pakikipagkapwa
Pakikisama
Pakikibaka
Ito ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
Social
Moral
Physical
Intellectual
Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos
(developmental task) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa bagong sitwasyon
Nagtuturo sa isang nagdadalaga/ nagbibinata ng mga hindi nararapat gawin
Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang
inaasahan sa kanya ng lipunan
Mahalaga na ipakita mo sa iba ang iyong tunay na katauhan sapagkat ____
Ibig mong magustuhan nila ang iyong tunay na pagkatao
Ibig mong makita nila na ikaw ay mabait at masayahing tao
Ibig mong mabilang ka sa iyong mga kaibigan
Ibig mong makiayon sa kanilang kagustuhan
Sa iyong pakikipag-ugnayan sa iyong ka-edad, dapat na __________
Baguhin ang iyong sarili upang maging katanggap-tanggap sa kanila
Sundin ang lahat ng kanilang kagustuhan upang mapabilang sa samahan
Patunayan na ikaw ay may kakayahan upang maging lider sa pangkat
Ipakita sa kanila ang iyong tunay na katauhan at hikayatin silang tanggapin ka bilang ikaw.
Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa.
Ang pangungusap ay;
Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa sarili
Tama, dahil ito ay magiging simula ng isang malalim napakikipag-ugnyan
Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto
Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang impormasyon
tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap
Ang mga sumusunod ay mahalagang layunin na inaasahan na kilos at kakayahan sa yugto ng
pagtanda ng isang tao maliban sa _____________
Gabay
Kaibigan
Motibasyon
Kakayahang iakma ang sarili sa sitwasyon
10. Ang mga sumusunod ay kabilang sa walong inaasahang kakayahan at kilos na inaasahan sa
isang nagdadalaga at nagbibinata gaya mo maliban sa _____.
Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na magiging gabay sa kabutihang asal
Pagtanggap sa papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
Pagkakaroon ng maraming kaibigan
Pagkakaroon ng kaayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
