WorksheetsESP-QUARTER1.1
Total questions: 20
Worksheet time: 13mins
Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang pera ng inyong guro. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin?
Hihingi ako ng pera sa kanya.
Pababayaan ko na la mang siya.
Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito.
Sasabihin ko sa kaniya na mali ang ginawa niya.
Inutusan ka ng kapatid mong kumuha ng pera sa bag ng nanay niyo. Susundin mo ba siya?
Oo, para magkapera kami.
Oo, dahil kailangan namin ito.
Hindi, dahil masama itong gawain.
Hindi, para walang maging problema.
Ano ang maaari mong gawin kung nakita mong inaaway ng kapitbahay ninyo ang iyong kapatid?
Hindi ko sila papansinin.
Papaluin ko siya ng kahoy.
Pababayaan ko silang mag-away.
Tutulungan ko ang kapatid ko at pagsasabihan sila na masama ang kanilang ginawa.
Alin kaya ang posibleng mangyayari kung ikaw ay nagsasabi ng katoohanan?
Hindi ka magiging masaya.
Magiging magaan ang loob mo.
Magiging marami ang iyong kaaway.
Aawayin ka ng iyong mga kaklase.
Binigyan kayo ng inyong guro ng takdang-aralin sa ESP na gumawa ng pangako tungkol sa pagsasabi ng katotohanan. Para sa iyo, sasabihin mo ba sa iyong nanay na nakabasag ka ng salamin?
Opo, para magalit siya.
Opo, dahil ito ang tama.
Hindi, kasi ito ay nakakahiya.
Hindi, kasi tutuksuhin ako ng aking mga kaklase.
Ano ang maaari mong gagawin kung ang iyong katabi sa upuan ay mabaho ang hininga?
Pababayaan ko na lang kasi baka magalit siya.
Sasabihin ko ito sa aking mga kaibigan para pagtawanan siya.
Kakausapin ko siya ng mahinahon at sabihin ang totoo.
Hindi ko na lamang ito papansinin kasi hindi naman kami palaging magkatabi sa upuan.
Kung bibigyan ka ng pagkakataong magsalita sa harap ng klase, ano ang iyong sasabihin tungkol sa pagsasabi ng katotohanan?
Ang pagsasabi ng katotohan ay nakakabigat ng loob.
Dapat huwag sabihin ang katotohanan para sa kabutihan.
Ugaliing magsabi ng katotohanan anuman ang magiging bunga nito.
Ang katotohanan ay nakapagbibigay ng hindi magandang bunga sa pagsasamahan.
Inabutan kayo ng inyong guro na maingay sa loob ng klase. Nang tinanong niya kayo, walang may sumagot sa inyo. Ano ang maaari mong gawin para hindi siya magalit?
Magsasawalang kibo na lang ako.
Hahayaan ko na lang ang aming guro na magalit.
Tatayo ako at sasabihin kung bakit kami maingay.
Tatawanan na lang namin ang guro.
Sa isang paligsahang iyong sinalihan, nakita mong may ginawang hindi maganda ang isa mong kasamahan para kayo ay manalo. Ano ang gagawin mo?
Tatawanan na lang namin ang nangyari.
Tatahimik na lang ako para makaiwas sa gulo.
Magsasawalang kibo na lang dahil wala namang nakakita sa nangyari.
Sasabihin ko ang totoong nangyari sa pamunuan para walang magiging problema.
Bilang mag-aaral, bakit kailangan mong magsabi ng katotohanan?
Para mapagalitan ng mga magulang
Dahil ito ay sinabi ng aming mga kaibigan
Para tumaas ang aking grado sa susunod na markahan
Upang maging magandang modelo sa aking mga kamag-aral
Dineklara ni DepEd Secretary Briones na ang pasukan ay magsisimula sa darating na Agosto 13, 2021.
Katotohanan
Opinyon
Sa palagay ng aking ina, matatapos ang Corona Virus Disease 2021 ngayong Hunyo.
Katotohanan
Opinyon
Ang LGU ay tinutulungan ang DOH sa pagpapatupad ng mga dapat sundin kagaya ng mga paggamit ng face mask, paghugas ng kamay bago pumasok sa anomang gusali at pagsunod sa social distancing.
Katotohanan
Opinyon
Sa palagay ko malapit ng matapos ang problema natin sa COVID-19.
Katotohanan
Opinyon
Libo-libong artista ng ABS CBN ang nawalan ng trabaho.
Katotohanan
Opinyon
Hayaan mo ang iyong kaibigan na makinig ng malalaswang patalastas.
Tamang pagpapasiya
Maling pagpapasiya
Iwasan ang pakikinig ng patalastas na walang aral.
Tamang pagpapasiya
Maling pagpapasiya
Tangkilikin ang pagkakaroon ng tamang pagpapasiya.
Tamang pagpapasiya
Maling pagpapasiya
Huwag ng suriin ang nakalap na impormasyon.
Tamang pagpapasiya
Maling pagpapasiya
Magsanay sa pagbabasa at pakikinig ng mga impormasyong galing sa lehitimong pinagkukunan
Tamang pagpapasiya
Maling pagpapasiya
