wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP Quiz 1.1

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

1.Napansin ng mga magulang ni Jane na kamakailan lang ay madalas naging mainitin ang ulo nito. Kapag hindi nila pinagbibigyan ay nagtatampo kaagad ito at hindi sila kinikibo. Alam nilang ang mga pagbabagong ito ay parte ng pagdadalaga ng kanilang anak. Kaya bilang mga magulang, kinausap nila ito nang masinsinan para matulungan ang anak. Batay sa paglalarawan, anong aspeto ang nararanasang pagbabago ni Jane?

a)

a.Moral

b)

b.Panlipunan

c)

c.Pandamdamin

d)

d.Pangkaisipan

2.

2.Galing sa isang mahirap na pamilya si Athena. Nang siya ay tumuntong sa ikapitong baitang, naging iskolar siya sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napapaligiran siya ng mga mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pag-aalala dahil alam niyang hindi siya makakasabay sa mga ito sa maraming bagay. Sa huli, pinili niyang magpakatotoo dahil alam niyang iyon ang mas tamang gawin. Anong aspeto ng pag-unlad ang palatandaang ito?

a)

a.Moral

b)

b.Pisikal

c)

c.Panlipunan

d)

d.Pandamdamin

3.

3.Si Angelo ay isang tahimik na bata mula pa noong siya ay nasa elementarya. Iilan lamang ang kaniyang naging mga kaibigan. Ngunit nang siya ay tumuntong sa ikapitong baitang, ninais na niyang magkaroon ng maraming kaibigan at nasisiyahan siyang mapabilang sa mga ito. Anong aspeto ng pag-unlad ang ipinakitang palatandaan ni Angelo?

a)

a.Moral

b)

b.Panlipunan

c)

c.Pandamdamin

d)

d.Pangkaisipan

4.

4.Si Faith ay isang mag-aaral sa ikapitong baitang. Madalas siyang nakikipaglaro ng habulan sa kanyang mga kaklase at hindi alintana kahit nangangamoy pawis at nagkakagulo ang buhok. Ngunit isang araw, napansin na lamang ng kanyang mga kaklase na madalas na itong nasa harap ng salamin at sinisigurong maayos tingnan ang pisikal na kaanyuan. Anong aspeto ng pagkatao ang nararanasang pagbabag ni Faith?

a)

a.Moral

b)

b.Pisikal

c)

c.Panlipunan

d)

d.Pangkaisipan

5.

5.Nagaganap sa isang kabataan ang pinakamalaki at pinakamabilis na pagbabago sa maraming aspeto, lalo na sa pagbabagong pisikal at emosyonal na paraan. Anong yugto ito ng pag-unlad sa buhay ng kabataan?

a)

a.Adolescence

b)

b.Early Adulthood

c)

c.Early Childhood

d)

d.Late Adulthood

6.

6.Nalaman ni Angelo na nag-iisa na lamang sa kanyang barong-barong ang matandang si Mang Juan. Kilala niya ito dahil madalas niya itong tinutulungan sa pagtutulak sa kaniyang kariton kapag nadadaan niya ito pagkagaling sa paaralan. Nag-alala siya sa kalagayan nito dahil nabalitaan niya itong may sakit at hindi na nakapangangalakal bilang hanapbuhay.Kinagabihan, kinausap niya ang kanyang mga magulang upang bisitahin ito at mabigyan ng tulong. Alin sa sumusunod ang ipinapakita ni Angelo?

a)

a.Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

b)

b.Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/sa lipunan

c)

c.Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito

d)

d.Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad (Pakikipagkaibigan)

7.

7.Nasa ikapitong baitang na si Luna nang magkaroon siya nang magkaroon siya ng pinakauna niyang buwanang regla.Maliban dito, may nararanasan din siyang ibang pagbabago sa pangangatawan, sa kaniyang pag-uugali at pati na rin sa kanyang nararamdaman, bagamat may takot at pag-aalala, positibong niyakap ni Luna ang mga pagbabagong ito bilang isang nagdadalaga, sa tulong na rin ng kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Sinikap niyang maging maayos ang sarili hindi lamang sa pisikal na kaanyuan kundi pati na rin sa kanyang kilos at pag-uugali. Ang ginawa ni Luna ay nagpapakita ng ano?

a)

a. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

b)

b.Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa lipunan

c)

c.Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito

d)

d.Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing-edad (Pakikipagkaibigan)

8.

8.Noong bata pa si Shane, gusto niyang magkaroon lamang ng kalaro, lalo na sa mga kababata niyang babae. Ngunit habang lumalaki at nagkakaisip, nagbabago ang kaniyang pag-unawa tungkol dito. Nagiging mas malalim na ang kanyang pagtingin sa pakikipag-ugnayan. Naghahanap na siya ng taong hindi lamang kalaro kundi tinatawag na kaibigan na makakasama niya nang mas madalas sa araw-araw, na mas makakasundo sa maraming bagay at ibang gawain. Alin sa sumusunod ang tamang paglalarawan sa pagbabago ni Shane?

a)

a.Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad (Pakikipagkaibigan)

b)

b.Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

c)

c.Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito

d)

d.Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa lipunan

9.

9.Si Rachel ay lumalaking umaasa sa kaniyang mga magulang sa halos lahat ng bagay. Hindi siya makapagpapasiya kung hindi nasa ilalim ng kaniyang mga magulang. Isang araw, kinausap siya ng kaniyang mga magulang at ipinaunawa sa kanya na bilang isang nagdadalaga, nararapat lamang na matutunan niya ang magkaroon ng sariling desisyon sa mga kinakaharap niyang sitwasyon gamit ang maingat na pagpapasiya. Ano ang gustong paunlarin ng mga magulang ni Rachel sa kaniya bilang isang nagdadalaga?

a)

a.Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations sa mga kasing-edad (Pakikipagkaibigan)

b)

b.Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

c)

c.Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito

d)

d.Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/sa lipunan

10.

10.Bata pa lamang, ay madalas nang mapagalitan si Marga ng kaniyang ina. Wala kasi itong ibang inaatupag kundi ang maglaro at manood ng palabas sa telebisyon kaysa sa mag-aral. Kaya naman, laking pasasalamat ng kaniyang mga magulang nang siya ay nagpakita na ng interes sa pag-aaral nang siya ay tumuntong sa ikapitong baitang. Naging mahusay na rin siya sa talakayan at madalas nagiging lider kapag may pangkatang ipinagagawa ang kanilang guro. Ang pagbabagong ito ni Marga ay isang palatandaan ng pag-unlad sa anong aspeto?

a)

a.Moral

b)

b.Panlipunan

c)

c.Pandamdamin

d)

d.Pangkaisipan

11.

11.Napansin kumakailan ni Sofia na madalas naging mainitin ang kanyang ulo. Napakasensitibo niya at madaling magtampo kapag hindi napagbibigyan ng mga kaibigan at ng kanyang mga magulang. Paano malalagpasan ni Sofi ang pagbabagong pandamdamin na ito?

a)

a.Sa pamamagitan ng pagbalewala nito dahil lilipas din ang pagbabagong ito

b)

b.Sa pamamagitan ng hindi pagkibo sa mga kaibigan at mga magulang kapag hindi pinagbigyan

c)

c.Sa pamamagitan ng pagsasabihan ang mga kaibigan at magulang na umintindi nalamang sa kanya sa lahat ng oras

d)

d.Sa pamamagitan ng pakikipag-usap nang masinsinan sa mga magulang upang mapayuhan at magabayan sa mga pagbabagong ito

12.

12. Galing sa isang mahirap na pamilya si Laura. Nang siya ay tumuntong sa ikapitong baitang, naging iskolar siya sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napapaligiran siya ng mga mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pag-alala dahil alam niyang hindi siya makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwiran at tamang gawin ni Laura?

a)

a.Ipakita ang kanyang tunay na pagkatao

b)

b.Huwag nalamang pansinin ang mga mayayamang kamag-aaral

c)

c.Ipamukha sa kanila na kayang-kaya niya sila dahil sa angkin niyang talino

d)

d. Hikayatin ang mga magulang na bilhan siya ng magagarang gamit upang makasabay sa mga mayayaman na kamag-aral

13.

13. Si Allen ay isang tahimik na bata mula pa noong siya ay nasa elementarya. Madalas siyang nag-iisa at makikita mong nasa isang sulok lamang ng silidaralan. Ano ang nararapat gawin ni Allen upang mapaunlad ang panlipunang aspeto ng kanyang buhay?

a)

a.Sanayin ang sarili na makihalubilo upang magkaroon ng mga kaibigan

b)

b.Magdala ng maraming pagkain, upang magkaroon ng mga kaibigan

c)

c.Lumahok sa isang gang sa paaralan upang maging sikat sa paaralan

d)

d.Hayaan na lang na wala siyang kaibigan dahil hindi naman sila kinakailangan

14.

14. Si Angela ay isang mag-aaral sa ikapitong baitang. Madalas siyang pinagsasabihan ng kanilang tagapayo na nagdadalaga na ito kaya iwasan nang makipaglaro ng habulan bago magsimula ang klase dahil nangangamoy pawis ito at nagkakagulo ang buhok. Kung ikaw si Angela ano ang nararapat mong gawin upang mapaunlad ang pisikal na pagbabagong ito?

a)

a.Ipagsasawalang bahala na lamang ang sinabi ng tagapayo

b)

b.Magtago na lamang kasama ang mga kaklase tuwing maglalaro

c)

c.Iwasang maglaro ng habulan at sikaping ayusin ang sarili

d)

d.Huwag kibuin ang aking tagapayo dahil pinakikialaman niya ako

15.

15. Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng adolescence o pagbibinata at pagdadalaga?

a)

a.Ito ay yugto ng pag-unlad sa buhay ng kabataan na dapat magkaroon na ng boyfriend/girlfriend

b)

b.Ito ay yugto ng pag-unlad sa buhay ng kabataan na dapat maging malaya sa lahat ng bagay

c)

c.Ito ay yugto ng pag-unlad sa buhay ng kabataan kung saan nagiging sigurado sila sa kanilang mga ginagawa

d)

d.Ito ay yugto ng pag-unlad sa buhay ng kabataan kung saan nagaganap ang pinakamalaki at pinakamabilis na pagbabago sa iba’t-ibang aspeto

16.

16. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mapanagutang asal sa pakikipag- kapwa sa lipunan?

a)

a.Pagtawa sa mga kapintasan at pagkukulang ng iba

b)

a.Hindi pantay na pakikitungo sa mga mahihirap at mayayaman

c)

c.Handang pagtulong sa mga nangangailangan na hindi naghihintay ng anumang kapalit

d)

d.Pakikipagkaibigan lamang sa mga kamag-aaral na tutulong sa paggawa ng proyekto

17.

17. Paano mo maipakikita ang pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan mo at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito bilang isang nagdadalaga o nagbibinata?

a)

a.Magsaliksik sa internet kung paano pangalagaan ang sarili

b)

b.Sundin ang mga kasing edad kung papaano nila hinaharap ang mga pagbabago

c)

c.Humingi ng tulong sa mga kaibigan upang mapayuhan tungkol sa pagaayos sa sarili

d)

d.Pangalagaan nang mabuti ang sarili, at humingi ng gabay sa mga

nakatatanda at magulang upang magampanan nang maayos ang mga pagbabagong ito

18.

18. Alin sa sumusunod na nagdadalaga/nagbibinta ang nagpapakita ng pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya?

a)

a.Si Cris na hindi natatakot harapin ang anumang hamon ng buhay

b)

b.Si Franz na hindi hinahayaan na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan

c)

c.Si JV na minabuting hindi sumama sa kanyang mga kaibigan nang alukin siya nitong manood ng sine at lumiban sa klase

d)

d.Si Tiara na pinag-iinsayuhang mabuti ang kanyang pagsali sa patimpalak ng pag-awit sa paaralan

19.

19.Bakit mahalaga sa isang nagdadalaga/nagbibinata ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?

a)

a.Upang masiguro na mayroon siyang masasandalan sa oras ng pangangailangan

b)

b.Upang magkaroon siya ng kasing-edad na kaibigan na makakasama niya sa paglalaro

c)

c.Upang mapatunayan sa lahat na magaling siya sa pakikipag-ugnayan sa kapwa

d)

d.Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya

20.

20.Madalas mapagalitan si Binnie ng kaniyang ina dahil sa mababa nitong marka. Hindi kasi niya nagagawa ng maayos ang mga takdang -aralin at proyekto dahil nauubos ang oras niya sa panunuod ng palabas sa tebisyon at kabababad sa telepono. Bilang isang nagbibinata, ano ang pinakamabuti niyang gawin?

a)

a.Balewalain na lamang ang sinabi ng ina

b)

b.Lambingin na lamang ang ina upang hindi ito mapagalitan

c)

c.Ipagawa sa nakatatandang kapatid ang lahat ng mga proyektong hindi natapos

d)

d.Magkaroon ng interes sa pag-aaral at magsikap na mapaunlad ang

marka

21.

Narinig mo mula sa mga kaibigan mo ang plano nil ana maging-tambay nalang pagkatapos ng hayskul dahil nakakapagod ang pag-aaral. Sa kabila nito, gusto mo pa ring ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Ito ay isang halimbawa ng:

a)

A. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa

b)

B. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

c)

C. Paghahanda para sa paghahanapbuhay

d)

D. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya

22.

Mahalaga ito upang mapagtagumpayan mo ang anumang hamon na iyong kakaharapin sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata. Alin sa mga sumusunod ang salik na ito?

a)

A. Kritikal na pananaw

b)

B. Tiwala sa sarili

c)

C. Masusing pananaw

d)

D. Pananalig sa kaibigan

23.

Mahalagang maunawaan na ganap lamang na matatamo ang kakayahang ito sa huling yugto ng pagdadalaga o pagbibinata at sa maagang yugto ng pagtanda (adulthood). Anong angkop na inaasahang kakayahan at kilos ang tinutukoy dito?

a)

A. pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapw

b)

B. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

c)

C. Paghahanda para sa paghahanapbuhay

d)

D. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya

24.

Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?

• Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.

• Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.

• Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.

• Hindi natatakot si Renato na harapin ang anumang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.

a)

A. tapang

b)

B. talento at kakayahan

c)

C. tiwala sa sarili

d)

D. positibong pagtingin sa sarili

25.

Ang sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata. Alin ang hindi kasama?

a)

A. Pagsisikap na makakilos nang angkop sa kanyang edad

b)

B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki

c)

C. Pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa

d)

D. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

26.

Mayroong bagong kaklase si Tina na kakalipat lamang mula sa ibang paaralan. Gayunpaman, iniiwasan niya ito dahil ang bagong mag-aaral ay mula sa katunggaling paaralan. Alin sa sumusunod na angkop na inasahang kakayahan at kilos ang nabibigong palinangin ni Tina?

a)

A. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad

b)

B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalak

c)

C. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga ito

d)

D. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa

27.

Napapansin mo na ang iyong kilikili ay nangangamoy-asim sa tuwing ikaw ay pinagpapawisan. Ang araw-araw na paliligo at paglalagay nang deodorant ay isang halimbawa ng aling pagpapaunlad ng inaasahang kakayahan at kilos bilang nagdadalaga/nagbibinata?

a)

A. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad

b)

B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalak

c)

C. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga ito

d)

D. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa

28.

Mahalagang maunawaan na ganap lamang na matatamo ang kakayahang mapaghandaan ang pag-aasawa at pagpapamilya sa aling yugto ng pagdadalaga / pagbibinata?

a)

A. Unang yugto ng pagdadalaga/pagbibinata

b)

B. Buong yugto ng pagdadalaga / pagbibinata

c)

C. Huling yugto ng pagdadalaga/pagbibinata at maagang yugto ng pagtanda

d)

D. Kalagitnaan ng yugto ng pagdadalaga/pagbibinata hanggang sa pagtanda

29.

Kahit ang nagdadalaga / nagbibinata ay hindi na bata, kinakailangan pa rin niya ito. Alin sa sumusunod ang tinutuokoy dito?

a)

A. Padalos-dalos na pagpapasya

b)

B. Pagiging bukas sa pagtanggap ng tulong o payo

c)

C. Maging ganap na tagapayo ng iba pang nagdadalaga / nagbibinata

d)

D. Maging sarado at mailap sa mga mas nakatatanda

30.

Ang pag-upo nang mayo at pakikinig ng mabuti habang ang iyong guro ay nagsasalita ay isang palatandaan ng pagunlad ng iyong inaasahang kakayahan at kilos bilang dalagita/binatilyo. Alin sa mga sumusunod ang palatandaang ito?

a)

A. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

b)

B. Paghahanda para sa paghahanapbuhay

c)

C. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya

d)

D. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal