wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1W2 KATANGIANG PISIKAL NG ASYA (Ikalawang Bahagi)

Total questions: 10

Worksheet time: 85secs

Name
Class
Date
1.

1. Aling pahayag ang HINDI kabilang sa katangiang pisikal ng Asya?

a)

Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga tumutubong halaman.

b)

Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.

c)

Ang Asya ay may iba’t ibang uri ng anyong lupa tulad ng tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, at disyerto

d)

Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.

2.

Iba-iba ang klima sa Asya. Ano ang katangian ng klima at panahon sa TIMOG SILANGANG ASYA?

a)

A. Tropikal ang klima ng malaking bahagi ng rehiyon.

b)

B. Malaking bahagi ng rehiyon ay nababalutan ng yelo

c)

C. Sobrang lamig ng rehiyon at mahirap manirahan ang tao

d)

D. Lahat ng bansa sa rehiyon ay may napakainit na disyerto.

3.

Ang mga ilog ng TIGRIS at EUPHRATES sa Iraq, INDUS sa India, at HUANG HO sa China ay ilan lamang sa mga ilog na mahalaga sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampanin nito?

a)

A. Maraming mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Asya ang naganap sa mga ilog na ito.

b)

B. Madalas magdulot ng pinsala at pagkasawi ng mga tao tuwing may pagbaha sa mga ilog na ito.

c)

C. Sa mga ilog na ito umunlad ang mga kauna-unahang kabihasnan sa Asya at maging sa buong daigdig.

d)

D. Ang mga ilog na ito ay nagsilbing daanan ng mga barkong pangkalakalan ng mga bansang kabilang sa rehiyon.

4.

Ano ang tumutukoy sa uri o dami ng halaman sa isang lugar?

a)

A. klima

b)

B. monsoon

c)

C. topograpiya

d)

D. vegetation cover

5.

Ano ang uri ng lugar kung saan makikita ang mga naglalakihang puno at iba’t ibang uri ng tumutubong halaman?

a)

A. Praire

b)

B. rainforest

c)

C. savanna

d)

D. steppe

6.

Ang Asya ay may iba’t ibang uri ng klima. Anong klima ang karaniwang nararanasan ng mga Asyano sa Timog Silangang Asya?

a)

A. Basang Tropikal

b)

B. Basa at Tuyong Tropikal

c)

C. Monsoon

d)

. D. Subarctic

7.

Ang Asya ay may iba’t ibang uri ng halaman o puno. Nakadepende ang mga uri nito sa lokasyon ng isang lugar. Ano ang mahalagang vegetation na makikita sa HILAGANG ASYA?

a)

A. Prairie

b)

B. Savanna

c)

C. Rainforest

d)

D. Tundra

8.

Bakit madalas nakararanas ng malalakas na bagyo ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya?

a)

A. Dahil laging madilim ang kalangitan sa mga bansang ito.

b)

B. Dahil matataas ang mga lugar na matatagpuan sa rehiyon.

c)

C. Dahil ang mga rehiyon ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire.

d)

D. Dahil malapit ito sa mga karagatang pinagmumulan ng mga bagyo.

9.

Mahalaga ang ugnayan ng kapaligiran sa pag-unlad ng mga pamayanan. Ano ang ginawa ng mga tao sa kapaligiran upang umunlad ang kanilang pamayanan?

a)

A. Nagbago ang kapaligiran upang maging kapaki-pakinabang sa mga tao.

b)

B. Walang ginawa ang mga tao sa kapaligiran upang maging maunlad sila.

c)

C. Nilinang ng mga tao ang kapaligiran para sa kanilang pangangailangan.

d)

D. Inabuso ng mga tao ang kapaligiran kung kaya’t nanatili silang mahirap.

10.

Bumalik sa Pilipinas ang iyong tiyuhing nagtrabaho sa Saudi Arabia sa Kanlurang Asya sa loob ng maraming taon. Alin sa sumusunod ang malaking pagbabago na kaniyang mararanasan pagdating sa Pilipinas?

a)

A. Mas mahirap ang Saudi Arabia kaysa Pilipinas.

b)

B. Mas kaunti ang tao sa Pilipinas kaysa Saudi Arabia.

c)

C. Mas mainam ang klima sa Pilipinas kaysa Saudi Arabia.

d)

D. Walang pagbabago ang mararanasan niya pagdating sa Pilipinas.