wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1st Summative Test

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Nais ni Kyle na malinang pa ang kanyang kasanayan sa pinakamataas na antas ng pagsulat. Kaya naman kailangan ni Kyle na magsanay sa pagsulat ng_______________.

a)

pananaliksik

b)

teknikal na pagsulat

c)

pamanahunang papel

d)

akademikong pagsulat

2.

Taglay ni Vernice ang mapanuring pag-iisip, kakayahang mangalap ng impormasyon, mag-organisa ng mga ideya at kakayahang magsuri ng iba’t ibang akademikong sulatin. Patunay lamang ito na may kasanayan siya sa_____________.

a)

pananaliksik

b)

teknikal na pagsulat

c)

akademikong pagsulat

d)

pamanahunang papel

3.

Higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat. Ang __________ ay itinuturing din na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat.

a)

pananaliksik

b)

akademikong pagsulat

c)

teknikal na pagsulat

d)

pamanahunang papel

4.

Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa graduate school ay maituturing na bahagi ng __________________.

a)

pananaliksik

b)

teknikal na pagsulat

c)

akademikong pagsulat

d)

pamanahunang papel

5.

Kumukuha ng Academic Track sa HUMSS strand si Ej. Sa simula pa lang ay nagbigay na ang guro ng mga pangangailangan ng buong klase sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin. Kaugnay nito, ang pahayag na _________ ay HINDI tumutugon sa maaaring sabihin ng guro tungkol sa akademikong pagsulat.

a)

higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat

b)

ordinaryong uri ito ng pagsulat, kaya’t maaaring sulatin ng lahat

c)

ito ay itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat

d)

pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

6.

Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, naatasan ang mga mag-aaral na sumulat ng tula na bibigkasin sa panimulang palantuntunan. Anong anyo ng akademikong pagsulat ang tula?

a)

Malikhain

b)

Propesyonal

c)

Dyornalistik

d)

Teknikal

7.

Dahil sa pagkalat ng COVID19, bumuo ng naratibong ulat si Dra. Vernice Gabriele hinggil sa kanyang mga naging pasyente simula nang kumalat ang pandemic. Anong anyo ito ng akademikong pagsulat?

a)

Malikhain

b)

Propesyonal

c)

Dyornalistik

d)

Teknikal

8.

Magkahalong tuwa at pangamba ang nadama ni EJ nang mabasa niya ang balita sa pahayagan tungkol sa General Community Quarantine sa Metro Manila. Anong anyo ng akademikong pagsulat ang balita?

a)

Teknikal

b)

Malikhain

c)

Propesyonal

d)

Dyornalistik

9.

Bumili ng bagong kompyuter si Zedric. Hindi niya alam kung paano ito gagamitin, laking tuwa niya nang mabasa ang kalakip na manwal sa paggamit ng kompyuter. Anong anyo ng sulatin ang manwal?

a)

Teknikal

b)

Malikhain

c)

Propesyonal

d)

Dyornalistik

10.

Sa pagpapatupad ng “Bayanihan To Heal as One Act” kaugnay ng COVID19, isa ang pulis na si Sarhento Percie sa nakahuli ng mga residenteng lumabag dito. Pagdating sa presinto, kaagad niyang ginawan ito ng police report. Nagpapatunay ito na taglay ng pulis ang kasanayan sa pagsulat ng __________na anyo ng akademikong pagsulat?

a)

teknikal

b)

malikhain

c)

propesyonal

d)

dyornalistik