NEW
Font size
WorksheetsAng mga Anyong Lupa, Anyong Tubig, Klima at Vegetation Cove
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Alin sa mga sumusunod ang magkatugma?
Tibetan Plateau sa Tsina
Ilog Euphrates sa Iraq
Ilog Ganges sa Saudi Arabia
Disyerto ng Gobi sa India
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Napalilibutan ito ng iba’t ibang anyong tubig. Anong karagatan ang nasa gawing silangan ng
kontinenteng ito?
Karagatang Antartiko
Karagatang Pasipiko
Karagatang Arctic
Karagatang Indian
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagsasabi ng katotohanan hinggil sa ugnayan ng mga anyong lupa, anyong tubig at klima ng isang bansa?
Lahat ng malilit na bansa ay madalas nakararanas ng pag-ulan at bagyo
Mas madalas makaranas ng pag-ulan at bagyo ang mga lupain na mas malapit sa mga katubigan
Nagsisilbing natural na pananggalang ng mga bansa sa bagyo at malalakas na hangin ang mga nagtataasang kabundukan.
Hindi lahat ng disyerto ay nakararanas na mataas na temperatura.
Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagkakaiba at pagkakatulad ng klima ng mga bansa?
distansiya sa katubigan
taglay na mga anyong lupa
lokasyon
laki ng lupain
Saang rehiyon matatagpuan ang Bundok Everest?
Timog Asya
Hilagang Asya
Kanlurang Asya
Silangang Asya
Ang Pacific Ring of Fire ay ang malawak na sonang nakalatag sa Asya Pasipiko na nagtataglay ng mga aktibong bulkan. Alin sa mga bansa sa ibaba ang hindi
kabilang dito?
Japan
Pilipinas
Indonesia
China
Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nagpapahayag ng katotohanan ukol sa kabuhayan ng Asyano?
Nagiging basehan ang katangiang pisikal sa uri ng pamumuhay ng mga Asyano.
Ang laki ng lupain ang magtatakda ng estado ng pamumuhay ng mga Asyano.
Mayroong pagkakatulad at pagkakahawig ang mga bansang nasa iisang rehiyon sa kultura, pulitika at uri ng kabuhayan
Malaki ang papel ng katangiang pisikal sa kultural at ekonomikal na pamumuhay ng mga tao.
Alin sa mga sumunod na katangiang pisikal ang direktang naaapektuhan ng klima ng isang bansa?
lokasyon
sukat
hangganan
vegetation cover
Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang bihira at halos hindi nakararanas ng pag-ulan. Anong vegetation cover ang higit na makikita rito?
desert
taiga
prairie
tundra
10. Ang mga sumusunod ay mga kalamidad na nabubuo sa malalim na bahagi ng karagatan maliban sa _________.
Earthquake
Typhoon
Hurricane
Cyclone
