WorksheetsModyul 1 Week 2
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Ano ang tawag sa yugto ng kung saan inaasahang magampanan mo ang ilang mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos?
Late childhood
Adolescence
Young Adulthood
Adulthood
May ___ na inaasahang kakayahan at kilos ang magsisimulang maipakita ng isang nagdadalaga/ nagbibinata sa yugtong ito hanggang sa kanyang pagtanda.
walo (8)
sampu (10)
lima (5)
tatlo (3)
Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, nagiging mas malalim ang pakikipag-ugnayan ng isang kabataan. Dito ay naghahanap na din siya ng makakasama na makakasundo niya sa maraming bagay. Anong inaasahang kilos at kakayahan ito?
Pagtanggap sa papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.
Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad.
Ang mga sumusunod ay paraan upang malampasan ang mga hamon ng pagbabago na nagaganap sa isang nagdadalaga/nagbibinata, MALIBAN sa ____
pagtuklas ng talento
pagkakaroon ng tiwala sa sarili
pagtuklas sa sariling kakayahan
pagtuklas sa sariling kalakasan at kahinaan
Bago pumasok si Rose sa paaralan ay makailang ulit siya tumitingin sa salamin upang ayusin ang kanyang buhok at damit. Nagiging palaayos na siya hindi tulad nung siya ay nasa elementarya pa lamang na walang pakialam sa kanyang itsura. Anong inaasahang kakayahan at kilos ito nabibilang?
Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahal sa mga ito.
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”, ano ang ibig sabihin nito?
Tayo ay nabubuhay para sa ating kapwa.
Kailangan natin ang ating kapwa upang tayo ay lumago bilang isang tao.
Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
Lahat ng nabanggit
Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon.
Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.
Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa maraming
bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa mga mayayamang kamag-aral.
Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.
Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard?
Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.
Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa sarili
Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan.
Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa lahat.
