Worksheets2nd quiz
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
“Putak, putak batang duwag, matapang ka’t nasa pugad.” Tumbasan ng angkop na pahayag eupemistiko
ang salitang nakahilig.
a. bahag ang buntot
b. takot na takot
c. walang tapang
d. walang laban
Parang natuka ng ahas si Mario nang makita ang galit na anyo ng kaniyang ama. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
a. natakot
b. napatalon sa saya
c. nagtatakbo
d. napahanga
Maraming bata ang halos buto’t balat na dahil sa sobrang kahirapan ng buhay. Ano ang nais ipakahulugan ng salitang may salungguhit?
a. sakitin
b. malusog
c. payat
d. maliksi
4. Aling pangungusap ang nagsasaad ng hindi pagkakatuald ng salawikain at sawikain?
a. Nagtataglay ng nakatagong kahulugan ang sawikain di gaya sa salawikain
b. Parehas na maigsi ang pagkakabuo sa salawikain at sawikain
c. Kapwa matulaing binibigkas ang salawikain at sawikain
d. Magsintulad sa haba ang salawikain at sawikain
Ang magkakasintunog na salita sa dulo ng mga taludtod ay tinatawag na ________.
a. sukat
b. tugma
c. simbiolo
d. aliw-iw
Ito ay isang uri ng tulang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.
a. haiku
b. tulang pasalaysay
c. senryu
d. liriko
magkasing ganda ang mag kaibigan na si lorie at liz. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa paglalarawan?
a. di-magkatulad
b. pahambing
c. magkatulad
d. pasahol
Ito ay paglalarawan ng tao, bagay, lugar, pook, o pangyayaring nakatuon sa dalawang uri.
a. haiku
b. senryu
c. pagtutulad
d paghahambing
uri ng di-magkatulad na nakahihigit sa katangian ang isa sa pinaghahambing.
a. pasahol
b. palamang
c. magkatulad
d. paghahambing
Di-hamak na magaling si Carl sa paglalaro ng basketball kaysa kay Jim. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pahayag?
a. pasahol
b. magkatulad
c. palamang
d. di-magkatulad
