WorksheetsMga Gawain sa AP - Week 2-Q1
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Anong anyong tubig ang nasa Timog ng Pilipinas?
A. Karagatang Pasipiko
B. Dagat Celebes
C. Dagat Kanluran ng Pilipinas
D. Bashi Channel
2. Ano ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas sa globo at mapa?
A. 4˚ - 21˚ hilagang latitud at 116˚ - 127˚ silangang longhitud
B. 4˚ - 20˚ hilagang latitud at 114˚ - 127˚ silangang longhitud
C. 4˚ - 21˚ hilagang latitud at 116˚ - 125˚ silangang longhitud
D. 4˚ - 19˚ hilagang latitud at 116˚ - 127˚ silangang longhitud
3. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 100 kilometro, ang 7 sentimetro ay magiging katumbas ng ________
A. 200 km
B. 100 km
C. 700 km
900 km
4. Ano ang tawag sa pag-aaral o paglalarawan ng anyo ng
isang lugar at ng pamumuhay rito.
A. Maritima
B. Lokasyon
C. Heograpiya
D. Topograpiya
5. Bakit tinawag na bansang insular ang Pilipinas?
A. dahil napapaligiran ito ng mga bundok
B. Dahil napapaligiran ito ng mga anyong tubig
C. Dahil maraming turista ang dumadalaw
D. Dahil napapaligiran ito ng kapuluan
6. Ang maritime o insular ay tumutukoy sa mga katubigang nakapaligid sa isang bansa.
A. Tama
B. Mali
7. Ang heograpiya ay ang kinalalagyan ng isang bagay.
A. Tama
B. Mali
8. Ang bansang Pilipinas ay isang maritime o insular.
A. Tama
B. Mali
9. Ang Bashi Channel naman ay nasa gawing timog ng
bansa.
A. Tama
B. Mali
10. Ang pulo naman ng Salauag ang pinakadulong pulo sa
gawing timog ng bansa.
A. Tama
B. Mali
