WorksheetsMga Uri ng Panghalip
Total questions: 12
Worksheet time: 6mins
Tukuyin Ang Uri ng Panghalip:
Nagtanim kami ng mga puno sa bukid. Mahalaga daw ang mga iyon sa kalikasan.
Panao
Pananong
Pamatlig
Panaklaw
Tukuyin Ang Uri ng Panghalip:
Ang napakagandang islang iyon ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
Panao
Pamatlig
Pananong
Panaklaw
Tukuyin Ang Uri ng Panghalip:
Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.
Panao
Pananong
Pamatlig
Panaklaw
Tukuyin Ang Uri ng Panghalip:
Alin sa dalawang islang ito ang talagang maganda, Boracay o Siargao?
Panaklaw
Pananong
Pamatlig
Panao
Tukuyin ang Panghalip Pamatlig:
Ang matinding ulan ay tatama raw dito sa Pilipinas. Kaya dapat tayong mag-ingat.
dapat
dito
kaya
tayong
Tukuyin ang Panghalip Panao:
Bakit patuloy nilang sinisira ang tahanan ng mga agila sa gubat?
agila
bakit
sinisira
nilang
Tukuyin ang Panghalip Pananong:
Gaano kaya kalaki ang ating utang kay Inang Kalikasan sa patuloy nating pagsira sa kanyang kagandahan.
nating
ating
gaano
utang
Tukuyin ang Panghalip Panao:
Ang lahat ng hayop sa ating kalikasan ay may silbi.
ating
silbi
hayop
lahat
Tukuyin ang Wastong Panghalip na Gagamitin:
______ ba ang dapat nating gawin upang makatulong?
ano
bakit
magkano
sino
Tukuyin ang Wastong Panghalip na Gagamitin:
Ang sinisingil ng kalikasan sa kanyang pagkakasira ay _______/ng mga tao.
atin
ikaw
sila
tayo
Tukuyin ang Wastong Panghalip na Gagamitin:
May nakita akong agila sa gitna ng gubat _______ malapit sa ilog.
ayan
ito
doon
ganyan
Tukuyin ang Wastong Panghalip na Gagamitin:
_____________ hindi naging mali ang pakikipaglaban para sa ating kalikasan.
lahat
kailanman
sinoman
tanan
