WorksheetsKasanayan sa Fil 6 Blg. 2.2
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Sumulat ng liham si Jose sa kanyang inang nag-aalala.
Ano ang pandiwa na ginamit sa pangungusap?
sumulat
liham
sumulat at nag-aalala
Natutulog na si Ben nang dumating si Beth sa kanilang bahay mula sa napakahabang biyahe noong nakaraang linggo.
Ilan ang pandiwa sa pangungusap?
dalawa
tatlo
apat
Alin sa mga salita ang nasa aspektong nagaganap?
aalis
umaalis
aalisin
Alin sa mga salita ang pandiwa?
mapagmahal
maunawain
magdarasal
Aling pandiwa ang pupuno sa hanay ng mga salita ayon sa panahunan nito?
Nanood, nanonood, ___________
pinanood
manood
manonood
Alin sa mga salita ang nasa perpektibong katatapos?
kakabibili
kaliligo
kakain
Ang mga mag-aaral ay pumasok nang maaga.
Anong uri ng pandiwa ang may diin sa pangungusap?
palipat
katawanin
neutral
Ang uhaw na bata ay uminom ng malamig na tubig.
Anong uri ng pandiwa ang may guhit sa pangungusap?
palipat
katawanin
neutral
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pandiwang katawanin?
Humingi ng saklolo ang matandang ninakawan.
Ang matandang pulubi ay natutulog sa bangketa.
Si Ethel ay nag-alay ng bulaklak sa imahen.
Alin sa mga pangungusap ang may pandiwang palipat?
Gumagawa ng kakanin si Edlyn.
Ang presyo ng gasolina ay bababa nang bahagya.
Ang bus ay tumirik bago ito makarating sa istasyon
