WorksheetsESP 1 - Lesson 4
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
1. Alin sa sumusunod na mga gawain ang hindi nagpapakita ng pakikiisa sa pamilya?
a. pagtulong sa paglilinis ng bakuran
b. pakikipaglaro sa mga kapatid
c. pang-aasar sa nakababatang kapatid
d. Pagsunod sa utos ng magulang
2. Paano natin maipakikita sa ating kapamilya na mahalaga sila sa atin?
a. sa pamamagitan ng pakikinig sa kanila kapag sila ay nagsasalita
b. sa pamamagitan ng pagkukunwaring walang narinig kapag humihingi sila ng tulong sa atin
c. sa pamamagitan ng pagdadamot sa kanila
d. sa pamamagitan ng di pagsasabi ng totoo sa kanila
3. Ano ano ang mga bagay na hindi mo maaaring gawin kasama ang iyong buong pamilya?
a. pamamasyal
b. pagsisimba
c. pagkain ng hapunan
d. pagdalo sa birthday party ng kamag-aral
4. Alin sa sumusunod ang isang katangian ng nagkakaisang pamilya?
a. nagkakani-kaniya ang bawat kasapi
b. nagtutulungan ang mga kasapi
c. nagsisiraan ang mga kasapi
d.nag-aaway-away ang mga kasapi
5. Bakit gusto nating laging kasama ang ating pamilya ?
a. Dahil masaya tayo kapag nakikipaglaro sa ating mga magulang at mga kapatid.
b. Dahil gusto nating may tuwa at saya sa pamilya.
c. Dahil gusto nating humingi palagi ng pera sa ating mga magulang.
d. Dahil gusto nating tulungan ang ating pamilya sa mga gawaing bahay
6. Anong laro ang hindi magandang laruin ng isang pamilya?
a. lahat ng uri ng sugal
b. “snakes and ladders”
c. pitik-bulag
d. “memory game”
7. Ang mga sumusunod ay gawaing nagpapatibay sa pagkakaisa ng pamilya maliban sa isa. Aling gawain ang naiiba?
a. pagdarasal ng sama-sama
b. sama-samang pag-aalaga sa kapamilyang maysakit
c. sama-samang paggawa ng gawaing bahay
d. pagtuturuan sa paggawa ng mga gawaing bahay
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagdadamayan?
a. pagtulong sa nakababatang kapatid sa gawaing pampaaralan
b. pagtulong sa magulang sa paghahanda ng lamesa
c. hindi pagpapahiram sa kapatid ng paborito nitong laruan
d. pagsunod sa utos ng magulang
9. Aling mga gawain ang nagpapatibay sa samahan ng isang pamilya?
a. hindi pagsasabi ng totoo sa isa’t isa
b. paglilihim ng mga problema sa isa’t isa
c. hindi pakikibahagi sa paghahati-hati ng gawaing-bahay
d. pagbati ng magandang umaga sa bawat kasapi ng pamilya pagkagising sa umaga
10. Ang nagkakaisang pamilya ay __________ sa isa’t isa ?
a. nagmamahal
b. nagmamalasakit
c. nagtutulungan
d. lahat ng nabanggit
