wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

WEEK 3 ESP NABABASA AT NAPAPANOOD NA PATALASTAS, SURIIN

Total questions: 20

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Kaagad na tinaasan ni Aling Marina ang kanilang panindang bigas nang marinig niya ang anunsyo mula sa mga kapwa niya tindera sa palengke.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Ang lahat ng mga patalastas o anunsiyo na napapanood sa telebisyon ay dapat paniwalaan.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Nangalap muna ng mga tamang impormasyon si Arian, bago siya maniwala sa mga patalastas na kanyang nababasa o naririnig.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Ang pagsusuri sa mga narinig o nabasang impormasyon ay walang maitutulong sa atin.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Anomang impormasyon o patalastas ang narinig o nabasa, kailangan itong siyasating mabuti bago ipagsabi.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Agad na pinaniniwalaan ang mga balitang naririnig sa mga kapitbahay.

a)

MAPANURI

b)

MAPANIWALAIN

7.

Sinusuri munang mabuti ang balitang sinabi ng iyong kaklase, bago ito paniwalaan.

a)

MAPANURI

b)

MAPANIWALAIN

8.

Mas higit na pinaniniwalaan ng aking kapatid ang mga balita na sinasabi lamang ng kanyang mga kaibigan, kaysa sa napapanood o naririnig niyang balita. .

a)

MAPANURI

b)

MAPANIWALAIN

9.

Hindi nakikinig ng mga balita sa radyo o nagbabasa ng pahayagan si Lola Azon, dahil lahat daw ng balita sa radyo at pahayagan ay hindi totoo.

a)

MAPANURI

b)

MAPANIWALAIN

10.

Suriing mabuti kung anong programa sa radyo ang dapat pakinggan ng mga batang tulad ninyo.

a)

MAPANURI

b)

MAPANIWALAIN

11.

Nagsaliksik muna si Emma kung totoo ang patalastas na kanyang narinig na magkakaroon na ng face to face classes sa susunod na taon.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Inalam muna ni Aaron James ang pinagmulan ng patalastas na kanyang narinig na maaari nang lumabas at pumunta sa mga mall ang mga nabakunahang mga senior citizen, bago niya ito ipinaalam sa kanyang Lola.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Ibinabahagi ni Rochelle sa lahat ang mga narinig o nabasang niyang patalastas tungkol sa tamang pag-iingat na dapat gawin lalo na ngayong panahon ng pandemya.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Unang parte pa lamang ng patalastas ang pinakikinggan ni Luis ay agad na niya itong sinasabi sa kanyang mga kaibigan at kalaro.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Pinag-aaralan munang mabuti ni Reine ang narinig o napanood niyang patalastas o anunsiyo bago niya ito ikalat sa iba.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Nabasa mo sa facebook page ang isang patalastas na maari ng isama ang mga batang kasing edad mo sa pagpunta sa mga mall.

a)

Aayain ko agad ang aking mga magulang

b)

Aalamin ko muna kung may katotohanan ang patalastas

c)

Tatawagan ko ang mga kaibigan ko at aayain sila na pumunta kami sa mall.

17.

Libangan na ni Divine ang mag-browse sa Lazada at Shoppe page ng kanyang ina. Isang araw sa kanyang pagbobrowse ay nakita niya na naka 50% sale ang gustong gusto niyang sapatos. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

I-click agad ang buy now at place order para hindi siya maubusan.

b)

Suriin munang mabuti ang produkto na naka sale tulad ng pagbabasa sa mga comments.

c)

Tawagan agad ang seller ng produkto at omorder.

18.

Madalas nating naririnig sa mga programa sa radyo ang mga tamang paraan kung paano tayo makakaiwas sa sakit na COVID-19.

a)

Ilipat agad ang programang pinakikinggan dahil paulit- ulit na lamang ang patalastas na iyon.

b)

Pakinggang mabuti ang patalastas upang magkaroon ng karagdagang kaalaman.

c)

Huwag pansinin ang patalastas sapagkat wala naman itong katotohanan.

19.

Ibinalita sa iyo ng iyong kaibigan na naka sale ang modelo ng “cellular phone” na gustong- gusto mong bilhin. Ano ang gagawin mo?

a)

Sasabihin ko agad ito sa akin mga magulang at pipilitin silang bumili kahit wala kaming pera.

b)

Aalamin ko muna kung totoo at mahinahon kong sasabihin sa aking mga magulang na sale ang cellphone. Mangangako rin ako na mag-aaral akong mabuti at susundin ang lahat ng kanilang mga inuutos sa akin.

c)

Sasabihin ko sa mga magulang ko na hindi na ako mag-aaral online kung hindi nila bibilhin ang cellular phone na gustong gusto ko.

20.

Isa sa mga madalas na pinapatalastas sa radyo ay may kaugnayan sa mga aralin sa ikaapat na baitang. Ano ang iyong gagawin?

a)

Iiwasan ko na munang makinig ng radyo, dahil paulit - ulit naman yung mga aralin na pinapatalastas.

b)

Pakikinggan kong mabuti ang mga aralin na pinapatalastas upang higit akong matuto.

c)

Ililipat ko agad ang programa ng aking pinakikinggan.