wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Fill 11

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Papaano nabuo ang alyansa ng Tanggol Wika?

a)

Nagsimula ito ng magkaroon ng sarbey sa facebook kung sino ang nais labanan ang CHED.

b)

Ito ay pinasimulan sa Dela Salle University na nagkaroon ng forum na nilahukan ng 500 delegado.

c)

Ang dating pangulong Manuel Quezon ang nagpasimula ng alyansa para sa pambansang wika

d)

Ang malalaking pamantasan at unibersidad ay nagsagawa ng isang consensus sa 50 tao ng bawat paaralan.

2.

Sinasabi na ang lahat ng tanong ng isang bata (o tao) sa kaniyang paligid ay masasagot ng pakikipag-ugnayan, pakikisalamuha at ________.

a)

Pakikipagtalastasan

b)

Paulit-ulit na Pagtatanong

c)

Pagiging imahinatibo

d)

Pagkakaroon ng kaisahan

3.

Sinong Pambansang Alagad ng Sining ang kasama sa pangunguna sa pagtataguyod ng Tanggol Wika?

a)

Dr. Felipe R. Jose

b)

David Michael San Juan

c)

Virgilio Almario

d)

Bienvenido Lumbera

4.

Bakit naging makasaysayan ang pagsampa ng kaso ng Tanggol Wika laban sa CHED?

a)

Ito ay dahil malaking kagawaran ang sinampahan ng kaso.

b)

Ito ay dahil may suporta ang Tanggol Wika sa iba’t ibang personalidad.

c)

Ito ay dahil sa 45-pahinang petisyong papel na isinumite na nakasulat sa wikang Filipino.

d)

Ito ay dahil nilahukan ang pagsampa ng kaso ng 500 delegado sa 40 paaralan sa buong bansa.

5.

Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na hindi makatwiran ang proseso ng CHED sa pagbababa ng CMO 20?

a)

Nagkaroon ng konsultsyon sa pagitan ng CHED, Tanggol Wika at mga paaralan taong 2014

b)

Napalaganap nang mabisa ng CHED ang kinakailangang impormasyon sa pagpapatupad ng Memo

c)

Hindi kaagad nabigyan ng kopya ng Memo ang mga guro at nagkaroon lamang ng konsultasyon dahil sa demand ng Tanggol Wika

d)

Mabilis na inaksyunan ng CHED ang demanda ng Tanggol Wika laban sa kanilang Memo

6.

Nagsimulang magkaroon ng Wikang Pambansa sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Ang pangulo ng Pilipinas sa panahon ng Amerikano ay kinilala bilang ama ng Wikang Pambansa. Sino ang pangulo na ito?

a)

Pangulong Emilio Aguinaldo

b)

Pangulong Andres Bonifacio

c)

Pangulong Manuel L. Quezon

d)

Pangulong Manuel A. Roxas

7.

Sa panahon ng pamamahala niya ay nakabuo ng panibagong batas pangwika na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit upang pangalagaan ang ating wika. Sino ang pangulo na tinutukoy dito?

a)

Pangulong Manuel A. Quezon

b)

Pangulong Gloria Macapagal Arroyo

c)

Pangulong Benigno Aquino

d)

Pangulong Corazon Aquino

8.

Ang 1987 Konstitusyon Artikulo XIV ay batas na nangangalaga sa wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Anong seksyon ng konstitusyon ang nagpapahayag ng wikang pambansa ng Pilipinas sa kasalukuyan?

a)

Seksyon 6

b)

Seksyon 7

c)

Seksyon 8

d)

Seksyon 9

9.

Ito ang opisyal na wika ng Pilipinas sa ilalim ng 1987 Konstitusyon Artikulo XIV. Ano ang opisyal na wika ng Pilipinas sa kasalukuyan?

a)

Ingles at Arabic

b)

Tagalog at Ingles

c)

Filipino at Ingles

d)

Tagalog at Katutubong wika

10.

Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahayag ng mga dahilan kung bakit nararapat na ituro ang Filipino sa Edukasyon. Alin dito ang HINDI kabilang?

a)

Maraming Pilipino ang nagkakamali sa tamang paggamit ng mga salita.

b)

Madalas pa rin ni kinikilala ang Tagalog bilang wikang pambansa sa kasalukuyan.

c)

Maraming Pilipino ang gumagamit ng wikang Filipino at ito ay patuloy na pinauunlad ng buong bansa.

d)

Ang wikang Filipino ang nagdudugtong sa iba pang diyalekto o wikang mayroon ang Pilipinas.