WorksheetsMGA PAHAYAG NA NAGBIBIGAY PATUNAY
Total questions: 15
Worksheet time: 11mins
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Binubuo ng mga kuwento tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan at katatawanan na kapupulutan ng magandang aral.
epiko
alamat
maikling kuwento
kuwentong-bayan
2. Mga pahayag na naglalayong higit na maging malinaw ang isang kaisipang inihahayag.
nagpapatunay
naglalarawan
nangangatuwiran
nagsasalaysay
3. Ang mga sumusunod ay pahayag na nagpapakikilala sa kuwentong-bayan maliban sa isa?
Nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita
Nagtataglay ng anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar na pinagmulan nito.
May iisang pangunahing tauhan na may mahalagang suliranin na dapat lutasin.
Pagmamay-ari ito ng buong bayan.
4. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto ang COVID -19 ay isang nakahahawang sakit na bagong tuklas. Alin sa mga sumusunod na pananda ang nagpapatunay?
batay sa pag-aaral
isang nakakahawang sakit
isinagawa ng mga eksperto
kilala sa tawag na COVID-19
5. Kilala ang islang ito bilang “Lupang Pangako o Land of Promise”
Luzon
Mindanao
Visayas
Palawan
6. Sinasalamin ng kuwentong-bayan ang mga sumusunod maliban sa:
kaugalian
tradisyon
paniniwala
tunggalian
7. Iniwan ni Kamamwem ang ina sa bahay at nangaso. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang:
nanghuli ng isda
nagtanim ng palay
nanguha ng panggatong
nanghuli ng mga hayop gamit ang sibat
8. Itinago ni Kamamwem ang ina sa bubu. Ang bubu ay nangangahulugang?
sibat
baril
patibong sa isda
gamit sa pagpipinta
9. Sinundot ni Busaw ang ilalim ng bahay ni Kamamwem gamit ang isang patpat. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang
sandok
tungkod
batang payat
manipis na kahoy
10. Alin sa sumusunod na mga kuwentong-bayan ang nanggaling sa Mindanao?
Si Malakas at Si Maganda
Mariang Makiling
Si Kamamwem
Si Pula at Si Puti
11. Ang matapang na anak na nagligtas sa ina sa kapahamakan
Busaw
Kamamwem
Kurukya
Aso
12. May layuning higit na maging malinaw ang isang kaisipang inihahayag.
pahayag na nagbibigay patunay
pagsasalaysay
pangangatuwiran
mahalagang kaisipan
13. “Huwag kang magtatagal anak baka kainin ako ni Busaw,” Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito?
pagkagalit
pagkatuwa
pangamba
pagkalungkot
14. “Aray! Aray! makakain na talaga ako nito ni Busaw!” Ano ang damdaming ipinahahayag ng pangungusap?
tuwa
takot
pagkabigla
galit
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng damdaming pagkagalit?
“Humanda ka Busaw may araw ka rin sa akin!”
“Magaling talagang magtago ng kaniyang ina si Kamamwem!.
“Ngayon makakain ko na talaga ang ina ni Kamamwem!” sabi ni Busaw.
“Muntik na naman akong kainin ni Busaw, tatlong beses niya ulit akong sinubukang lunukin”.
