wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3 Mga Likas na Yaman ng Asya - Subukin

Total questions: 15

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Anong bansa sa Hilagang Asya ang may pinakamaraming deposito ng ginto sa buong mundo?

a)

Tajikistan

b)

Kyrgyzstan

c)

Turkmenistan

d)

Uzbekistan

2.

Sa rehiyong ito matatagpuan ang may pinakamaraming deposito ng gas at petrolyo?

a)

Kanlurang Asya

b)

Timog Asya

c)

Silangang Asya

d)

Timog Silangang Asya

3.

Hindi lingid sa ating kaalaman na lahat ng bagay ay may limitasyon at katapusan. Bilang mag-aaral papaano ka makakatulong upang mapanatili ang mga likas na yaman ng iyong lugar para sa susunod pang henerasyon?

a)

Sasama ako sa mga illegal loggers para sa walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan.

b)

Makikiisa ako sa aking mga kanayon sa pagsusulong ng mga gawainG makakabuti sa aming lugar tulad ng pagtatanim ng puno sa mga nakakalbo ng kabundukan.

c)

Ipagwawalang bahala ko na lamang ang lahat dahil naririyan ang aking mga kapwa para sila ang gumawa ng mga hakbang sa paglutas.

d)

Mananahimik na lamang ako upang hindi madamay.

4.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao. Mas higit na napaunlad ng tao ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang pangunahing pangangailangan. Kung kayo ang mag-iisip ng pamamaraan, ano ang inyong gagawin upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?

a)

Gagamitin ng wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng tao.

b)

Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng Pamahalaan.

c)

Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na pakinabangan ng mamamayan.

d)

Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.

5.

Mayaman sa likas na yaman ang mga rehiyon sa Asya na kung saan nakatutulong sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya. Anong rehiyon sa Asya ang sagana sa yamang mineral na langis at petrolyo?

a)

Hilagang Asya

b)

Silangang Asya

c)

Kanlurang Asya

d)

Timog-Silangang Asya

6.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya na nagtataglay ng mayamang likas na yaman. Ano ang pangunahing produkto na iniluluwas ng bansang Pilipinas?

a)

Langis ng niyog at kopra Palay at Trigo

b)

Natural gas at Liquefied gas

c)

Palay at Trigo

d)

Tilapia at Bangus

7.

Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa produksiyon at pinakamalaking deposito ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang ginto?

a)

Yamang Lupa

b)

Yamang Tubig

c)

Yamang Gubat

d)

Yamang Mineral

8.

Sa pagkakaroon ng lambak-ilog at mababang burol ng mga bundok na mainam na pagtaniman sa Hilagang Asya, ano ang mahihinuha mong maaaring maging hanap buhay ng mga naninirahan dito?

a)

Pangingisda

b)

Pagmimina

c)

Pagsasaka

d)

Pagpipinta

9.

Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay sagana sa lahat ng uri ng likas na yaman. Kung totoo iyon, bakit may mga bansa pa rin dito na hindi maunlad? Pangatwiranan.

a)

Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa taglay nitong likas na yaman.

b)

Ang mga bansang maunlad ay may masaganang likas na yaman, ang mga bansang hindi maunlad ay salat sa pinagkukunang yaman.

c)

Nasa tao nakasalalay ang pag-unlad ng isang bansa.

d)

Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa wasto at tamang paglinang at paggamit ng tao sa kanilang likas na yaman.

10.

Ang bawat bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya ay may taglay na iba’t ibang uri ng likas yaman na nakatutulong sa pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa likas na yaman na taglay ng rehiyon ng Timog Silangang Asya?

a)

Salat sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog Silangang Asya.

b)

Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay nangunguna sa larangan ng magagandang aplaya o beaches.

c)

Ang Timog Silangang Asya ay kilala sa mala-paraisong mga pulo at baybayin na may pinong-pinong buhangin.

d)

Ang Timog-Silangang Asya ay tahanan ng mga natural wonders o kahanga-hangang tanawin na likha ng kalikasan.

11.

Mayaman sa likas na yaman ang mga bansa sa Timog Silangang Asya. Bilang Asyano paano mo maipakikita ang pangangalaga sa yamang likas na ipinagkaloob ng Diyos sa atin?

I. Makikiisa sa mga gawain na may layuning pangalagaan ang kapaligiran at likas yaman.

II. Sasali sa mga organisasyon sa barangay na tumutulong sa pangangalaga ng likas na yaman.

III. Susunod sa mga pinaiiral na batas na may kaugnayan sa pangangalaga sa kapaligiran

IV. Makikilahok lamang sa mga gawaing pangkalikasan kung ito ay makatutulong sa pansariling kapakanan.

a)

I, II, IV

b)

II, III, IV

c)

I, II, III

d)

I, III, II

12.

Ang pagkakaroon ng malawak at matabang lupain ay nakapagbibigay ng maraming produkto at nakapagpapalaki ng produksiyon na nakatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa isang bansa. Anong larangan ang pinagtutuunan ng pansin dito?

a)

Agrikultura

b)

Ekonomiya

c)

Panahanan

d)

Turismo

13.

Alin ang pinakaangkop na paglalarawan sa taglay na likas na yaman ng rehiyon ng Kanlurang Asya?

a)

Ang rehiyon ng Kanlurang Asya ay salat sa likas na yaman.

b)

Ang Kanlurang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo.

c)

Ang Kanlurang Asya ay nagluluwas ng Caviar (itlog) na mula sa Sturgeon.

d)

Ang Kanlurang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan.

14.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa taglay na likas na yaman ngTimog Silangang Asya?

a)

Ang Timog Silangang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo.

b)

Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng pinakamalaking deposito ng ginto.

c)

Ang Timog Silangang Asya ang nangunguna sa industriya ng telang sutla.

d)

Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan.

15.

Anong bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya matatagpuan ang pinakamaraming puno ng Teak?

a)

Brunei

b)

Myanmar

c)

Cambodia

d)

Vietnam