wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Gawaing Pasulat 1MA3

Total questions: 30

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Sila ang pinakanaghahangad ng kalayaan ayon sa tinalakay na sanaysay sa panimula.

a)

kabataan

b)

mamamayan

c)

mga nakatatanda

2.

Ang sanaysay ay hindi naglalaman ng ______ ng may-akda.

a)

pananaw

b)

kuro-kuro

c)

kinatatakutan

3.

Ito ay halimbawa ng isang alegorya

a)

Ibong Adarna

b)

Florante at Laura

c)

Noli Me Tangere

4.

Sa kaniya nagmula ang pilosopiyang tabula rasa o blankong tableta lamang ang utak ng isang sanggol sa kaniyang pagkakasilang

a)

Plato

b)

Aristotle

c)

Socrates

5.

Pilosopiyang nagsasabi na ang tao ay kinakailangang tumingin nang lampas sa realidad na nakikita ng mga mata

a)

rasyunalismo

b)

emperisismo

c)

platoniko

6.

Bahagi ng sanaysay na kadalasan o implayd na makikita ang pangunahing ideya nito

a)

panimula

b)

gitna

c)

wakas

7.

Hindi maikakaila na napakarami ang apektado ng kumakalat na salot sa ating bansa. Wala itong pinipili. Bata man o matanda kapag nahawaan o nakasalamuha mo ang may dala ng salot siguradong isa ka sa magiging positibo sa sakit. Nakakalungkot isipin na ang salot ay patuloy na kumakalat. Ito ang salot na COVID-19.


Aling pangungusap sa talata ang nagpapakita ng pangunahing ideya?

a)

Magiging positibo kapag nahawaan ng sakit.

b)

Ito ang salot na COVID-19.

c)

Hindi maikakaila ang pagkalat ng salot.

8.

Ang edukasyon ay mahalaga sa tao. Ito ang nagbibigay ng kaalaman at magandang kinabukasan sa bawat isa. Ang taong may sapat na edukasyon ay magtatamo ng kaginhawaan sa buhay. Hindi siya mamaliitin ng iba at

maipagmamalaki niya ang kaniyang sarili. Ano ang paksa ng talata?

a)

Mahalaga ang edukasyon.

b)

Hindi mamaliitin at ipagmamalaki ng marami.

c)

Magtatamo ng magandang kinabukasan.

9.

Ang kulay ay may iba’t ibang kahulugan. Ang pula ay katapangan, ang asul ay kapayapaan, ang puti ay kalinisan. Pag-ibig ang simbolo ng rosas, panibugho naman ang dilaw. Ang berde ay kasaganaan at itim ang kalungkutan. Marami pang kulay ang may kahulugan.


Ang nasasalungguhitan ay _____.

a)

pangunahing ideya

b)

pantulong na ideya

10.

Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo?


Ang pahayag ay nagpapahiwatig ng pagiging _____.

a)

makatotohanan

b)

di-makatotohanan

11.

Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain siya ng masasarap na pagkain. Buong araw siyang inaliw ng mga musika ng lira at ng mga awitin ng koro na hindi niya nakikita. Aling mga salita sa pangungusap ang magkasingkahulugan?

a)

koro-lira, kumain-masasarap

b)

nalibang-naaliw, musika-awitin

c)

nalibang-mansiyon, musika-koro

12.

Bakit tinawag na mga “bilanggo” ni Plato ang mga tao sa yungib?

a)

sila ay nagkasala

b)

ayaw nila ng bagong karunungan

c)

sunud-sunuran sila sa kanilang amo o lider

13.

Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw. Sa kasalukuyan ang pangyayaring ito ay maiiugnay sa ____.

a)

pandemya

b)

diskriminasyon

c)

pang-aalipin

14.

Paano ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng “katotohanan” at “edukasyon” sa buhay ng sangkatauhan?

a)

Mag-aral nang mabuti upang malaman at makita ang katotohanan.

b)

Magiging totoo sa sarili upang makamit ang edukasyon.

c)

Edukasyon ang magiging susi sa pagiging totoo ng isang tao.

15.

Anong kalagayang pandaigdig ang litaw sa sanaysay na Alegorya ng Yungib?

a)

kurapsiyon

b)

kawalan ng kalayaan sa pagsasalita

c)

pagbibilanggo sa walang kasalanan

16.

Bilang pag-iingat sa pandemya, gagamit ang DepEd ng modyular na pamamaraan ngunit sa tingin ng maraming mga magulang, mahihirapan sila sa paggabay sa aspetong akademiko ng kanilang mga anak.


Ang pang-ugnay na naglalahad ng sariling pananaw sa na ginamit sa pangungusap ay ____.

a)

sa tingin ng..

b)

gagamit ang..

c)

bilang pag-iingat..

17.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?

a)

samantala

b)

sa aking palagay

c)

pinaniniwalaan ko

18.

Bakit mahalaga ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng sariling pananaw?

a)

Ito ay kakayahang pangkomunikatibo.

b)

Sa pamamagitan nito ay mapag-uugnay ang mga pahayag.

c)

Upang maipahayag ang sariling pananaw hinggil sa isang isyu/paksa.

19.

Ang alegorya ay isang uri ng sanaysay.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

20.

Sino ang sinisimbolo ng mga taong walang takot at walang sawang bumabalik sa yungib upang akayin ang mga taong nasa dilim?

a)

magulang

b)

guro

c)

kaibigan

21.

Sa alementong ito nakapaloob ang tatlong bahagi ng epektibong sanaysay at mahalagang sangkap na makatutulong upang lubos na maunawaan ang daloy ng mga ideya.

a)

anyo at istruktura

b)

tema

c)

himig

22.

Ano ang kahulugan ng platonic love ayon sa pilosopong nanguna rito na si Plato?

a)

pag-ibig na matagal nang hinihintay

b)

pag-ibig na walang hinihintay na kapalit

c)

pag-ibig na walang hanggan

23.

Ano ang nangungunang katangian ng tao ang mga taong may hawak ng puppet sa loob ng yungib at niloloko ang mga taong nasa dilim? Ito ay maaaring mga politiko, kapamilya, kaibigan, amo, atbp.

a)

mapagmanipula

b)

sakim o ganid

c)

mapagsamantala

24.

Alin ang hindi sinisimbolo ng tanikala o kadena na pumipigil sa taong magtungo sa labas ng yungib?

a)

sariling pangarap

b)

kawalan ng tiwala sa sarili

c)

pangmamaliit ng iba

25.

Ang apoy sa loob ng yungib ay sumisimbolo sa ______.

a)

gawa-gawang katotohanan

b)

pagmumulat sa isipan

c)

tunay na edukasyon na kinakailangan

26.

Ang sinisimbolo ng araw sa labas ng yungib ay makakamit lamang kung ______.

a)

mag-aaral nang mabuti

b)

mangangarap nang mataas

c)

gumawa nang mabuti sa kapwa

27.

Guro ni Plato na siyang nagbabahagi ng ideya sa sanaysay na Alegorya ng Yungib

a)

Socrates

b)

Aristotle

c)

Phytagoras

28.

Ang alegorya ay dapat basahin sa dalawang pamamaraan maliban sa _____.

a)

literal

b)

masagisag

c)

nagpapakahulugan

29.

Ang mga kabataang nagpapakahirap mag-aaral na tulad mo ay ang sinisimbolo ng ____.

a)

taong nasa labas ng yungib

b)

taong nagsisikap makalabas ng yungib

c)

taong nakatanikala sa madilim na bahagi ng yungib

30.

Nalimot na rin ng kalalakihan na ______ ng alay at ______ sa diyosa. Anong magkaugnay na salita ang angkop na gamitin sa pangungusap?

a)

magbigay, magpuri

b)

tumalima, ipinag-utos

c)

sinasamba, hinahangaan