wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Summative Test Q1 Week 1-4

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng Nina nang binigyan ito ng House & Lot ng Engineer na anak. Bilang Kabataan, anong impluwensiya ang masasalamin sa anak ni Aleng Nina?

a)

pag-aalaga sa kanyang Ina

b)

pagmamahal sa kanyang Ina

c)

pag-aasikaso sa kanyang Ina

d)

pagbibigay-buhay sa kanyang Ina

2.

Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila. Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?

a)

pagiging matatag

b)

pagiging madasalin

c)

pagiging masayahin

d)

pagiging disiplinado

3.

Binaha ang aming lugar noong bagyong Ondoy at sa awa ng Panginoon ay may mabuting loob na nag-alok na patuluyin kami sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa sitwasyon?

a)

pagiging madasalin

b)

pagkakaroon ng pag-asa

c)

pagiging maramot sa iba

d)

pagiging matulungin sa kapwa

4.

Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?

a)

hinahatid sa eskwelahan

b)

laging binibigyan ng pera ang anak

c)

pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase

d)

sinusuportahan sa gustong makamit ng anak

5.

Nagsisigaw si Loloy nang madatnan ang kanyang ina na nakahandusay sa sala sa sobrang sakit ng tiyan. Dali-dali namang pumasok ang nakatatandang kapatid at dinala ang ina sa hospital. Alin sa sumusunod ang positibong pag-uugali ang ipinakita sa sitwasyon?

a)

ang pag-alalay sa ina papunta sa ospital

b)

labis ang kasiyahang ipinapakita ng kapatid

c)

ang kapatid may nakaramdan ng pagkabalisa sa nangyayari

d)

nakatutulong ang mga kapamilya sa oras ng pangangailangan

6.

Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?

a)

pagkakaroon ng mga anak

b)

pagtatanggol ng karapatan

c)

pagsunod sa mga patakaran

d)

pinagsama ng kasal ang magulang

7.

Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama tuwing Linggo. Ano ang dapat tularan sa pamilya Dela Cruz?

a)

pagiging disiplinado

b)

pagiging matatag sa sarili

c)

walang anumang alitan ang bawat isa

d)

may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon

8.

“Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at matatag.” Anong aral ang mapupulot sa kasabihan?

a)

Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.

b)

Ang pamilya ang salamin sa lipunan.

c)

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

d)

Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan.

9.

“Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang pamilya.” Anong mensahe ang ipinahiwatig sa pahayag?

a)

Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.

b)

Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal

c)

Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak.

d)

Nagkaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng pamilya kung may pagmamahalan.

10.

Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang tagumpay ng kanilang anak.

Anong kaugalian ang maaring tularan sa pamilya Santos?

a)

paghamon sa anak na magtagumpay

b)

pagpapakita ng interes sa kanilang larangan

c)

pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya

d)

pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit